BSP nagbabala sa pagkalat ng nakaw na dolyar

NAGPALABAS ngayon ng advisory ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga money changer, foreign exchange dealer at mga remittances agents kaugnay sa pagpapalit sa piso ng mga nagkalat na nakaw na mga US dollars.

Sa ipinalabas na circular ni BSP deputy governor Nestor Espenilla, Jr., tinukoy ng opisyal na ang nabanggit na salapi ay kabilang sa mga natangay ng mga holdapers sa nangyaring robbery/hold-up kamakailan sa isang armored van ng Land Bank of the Philippines sa Ozamis City.

Batay sa report, galing sa isang sangay ng LandBank sa Ipil, Zamboanga City ang armored van ng harangin ito ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Lacupayan, sa bayan ng Tigbao.

“Please be advised of the reported loss of US Dollar notes due to robbery/hold-up at Land Bank of the Philippines (LBP) Ozamiz Branch on 27 June 2011.”

Kabilang sa mga natangay ng mga suspeks ang nasa $140,300 na cash o tinatayang nasa mahigit P6 milyon.

Ayon sa BSP circular, pinayuhan ng BSP ang mga bangko, foreign exchange dealers, money changers at rernittance agents na ipagbigay alam sa awtoridad ang sinumang magpapalit o magdedeposito ng US dollars. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply