Budget surplus gawing calamity fund – Recto

HINIKAYAT ni Sen. Ralph Recto ang Palasyo na gamitin ang sobrang badyet ng pamahalaan bilang calamity fund sa winasak na imprastruktura at pananim ng bagyong “Pedring” upang maitama ang under-spending.

“Hindi lamang pananim at ari-arian ang winasak ng bagyong Pedring kundi maging ang alibi ng gobyerno na p;abagalin ang paggastos,” ayon kay Recto.

Sinabi ni Recto na maaaring gamitin ng pamahalaan ang natitirang badyet nito sa kasalukuyang taon upang pondohan ang rehabilitasyon ng mga lugar na apektado ng bagyong “Pedring” kabilang ang mga susunod pang bagyo na hahagupit sa bansa bago magtapos ang taon.

“The entire balance of the 2011 national budget is a virtual ‘calamity fund’ waiting to be tapped considering that infrastructure works in the coming months would surely be centered on restoring typhoon-ravaged provinces,” aniya.

Iniulat ng awtoridad sa panahon na mayroon pang lima hanggang anim na bagyo ang bibisita sa bansa bago magtapos ang 2011.

Aniya, dapat mapabilis ng administrasyon ang paggastos sa badyet nito upang makumpuni kaagad ang mga lugar na winasak ni “Pedring” at darating pang bagyo.

Tinatayang aaabot sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng winasak na imprastruktura at pananim ng bagyong Pedring bukod pa sa 54 katao ang namatay.

“The government is clearly having a hard time spending its funds as shown by the weak economic growth in the last two quarters. It could adopt a catch-up mode by targeting for fund release typhoon-prone areas that are directly in the path of more storms scheduled to visit the country before Christmas,” aniya.

Ipinaliwanag pa ni Recto na sa ganitong pamamaraan, maaari nang maglatag ng rehabilitation plan ng mga lalawigan na dinadaanan ng bagyo kabilang ang kakailanganin na pondo na maaaring makuha sa di nagagastos ng pondo.

Tinaya ni Recot na halos hindi nagalaw ng gobyerno ang pondo para sa imprastraktura sa taong ito na gumastos lamang ng P64.5 bilyon mula Enero hanggang Hulyo, o mas mababa nang 141 porsiyento o kulang ng P91.5 bilyon sa P156 bilyon na ginastos sa loob ng pitong buwan noong nakaraang taon. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply