Buhay na buhay na ang Philippine theater

BUHAY na buhay siguro ang Philippine theater ngayon. Kumikita na siguro nang malaki!

Naiisip namin yan dahil di natuloy ang nakaiskedyul nang panonood namin, with two teacher friends, ng “In The Heights” du’n sa RCBC Plaza sa Makati. Pero ubos na raw, sold out na raw, ang mga tiket for Sunday night (September 4), text sa amin ni Almed Garcia ng Backroom na siyang publicist ng Atlantis, local producer ng In the Heights. Good news yon for someone like us na naniniwalang mas maraming natutunan sa teatro kesa sa pelikula–bagama’t mas mahal ang tiket sa dulaan kesa sa mga sinehan.

Gusto naming mapanood ang play dahil may showbiz idols sa cast: sina Jackielou Blanco, Nyoy Volante, at K-La Rivera (na mula sa Star Factor ng ABS-CBN), at ang off-and-on ang paglabas sa teatro si Calvin Millado.

As far as we know, ilang ulit na ring lumabas sa teatro si Nyoy, pero di pa namin siya napapanood kahit minsan. Si Jackielou ay mukhang nakalabas na nung bata pa siya, o maaring nung dalaga pa siya, sa teatro, pero di namin napanood yon. Ayon kay Boy Abunda, na dating head publicist ng Atlantis nung pinamumunuan pa n’ya ang Backroom company, ang In the Heights ang kauna-unahang pagganap ni Jackielou sa isang musical, at una n’ya rin itong pagganap sa isang dulang Ingles.

Si Calvin ay ang singer na napasikat ni Boy noon, at kasabayan siya ni Ariel Rivera, na mina-manage pa rin ng Backroom hanggang ngayon. Kapatid si Calvin ng theater director na si Chris Millado na dating konektado sa Cultural Center of the Philippines bilang direktor, kaya di nakapagtatakang interesado rin si Calvin sa teatro. Ilang ulit na rin nga siyang gumanap sa dulaan pero sa In The Heights pa lang namin siya mapapanood.

Ang In The Heights ay tungkol sa isang pamilyang Latino na naninirahan sa New York. Tony Award winner ang musical na ito na isinulat ni _________.

Ang Seussical ng Repertory Philippines ang huling musical na napanood namin pagkatapos ng William sa PETA (Philippine Educational Theater Association). Hanggang sa huling weekend pa ng Setyembre ipalalabas ang William sa PETA Theater sa 5 Eymard St., Quezon City (malapit sa Christ the King seminary na nasa E. Rodriguez). Siguradong magugustuhan ng kabataan ang William dahil maraming rap production numbers sa Filipino sa musical na ito na tungkol sa pagsusumikap ng isang grupo ng high school students na maunawaan ang mga dula ni William Shakespeare.

Sa Onstage Theater sa Greenbelt 1 itinatanghal ng Repertory Philippines ang Seussical. Ayon sa isang kaibigang kasama naming nanood nito, mas impressive pa ang produksyon ng Rep ng musical na ito kesa sa napanood n’ya sa Los Angeles sa Amerika. Napaka-colorful at napakasigla ng produksyon ng Rep na nagtatampok kay Bituin Escalante bilang isa sa major characters ng pagtatatanghal.

Ang Seussical ay nagtatampok sa mga nursery character na pinasikat ng isang manunulat na nakilala bilang Dr. Seuss.

Bukod sa In The Heights ay excited na rin kaming mapanood ang forthcoming na “Peter Pan” na joint production ng Stages at Rep. Tampok dito si Sam Concepcion bilang Peter Pan, at ang alternate n’ya ang kuya n’yang si Kevin Concepcion. Sa Meralco theater naman ito itatanghal simula sa huling linggo ng Setyembre. We expect the production to be spectacular dahil may flying scenes talaga ito. Nagrenta pa ng flying machines mula sa ibang bansa ang Rep at Stages.

May dalawa pa nga palang showbiz idols na involved sa teatro ngayon: sina RJ Jimenez at Gerald Santos. Magka-alternate sila sa lead role ng “Sino Ka Ba Talaga, Jose Rizal.” Produksyon naman ito ng Gantimpala Theater ni Tony Espejo na dating artistic director ng CCP. May special shows sila sa Cebu at sa isa pang syudad sa labas ng Metro Manila. Sa Oktubre ay sa AFP Theater naman ito ipalalabas.

Siguro naman ay natatandaan n’yo si RJ na kasabayan ni Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN. Na-link siya romantically noon kay Yeng, pero parang di sila nagkatuluyan dahil may iba yatang gusto si Yeng.

Kalilipat lang ni Gerald sa TV5 mula sa GMA Network kung saan naging singing champion siya.

Hindi siguro totoo ang balitang naghihikahos ang Pinoy. Kumikita ang teatro, pati na ang mga sinehan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply