Bulldogs nilapa ang Green Archers

ISINARA ng National University Bulldogs ang pag-asa ng De La Salle Green Archers na makapasok sa Final Four sa bisa ng 56-40 panalo sa 74th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum Huwebes ng hapon, Setyembre 8.

Bumanat ang Bulldogs ng 18-5 run sa fourth quarter para maselyuhan ang kanilang ika-limang panalo sa 13 laro.

Bumida ang rookie na si Bobby Ray Parks, Jr. para sa Bulldogs sa kinamadang 25 puntos, siyam na rebounds at apat na assists.

Parehong tanggal na sa Final Four ang dalawang koponan.

Samantala, naungusan ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang Far Eastern U Tamaraws sa second game, 77-73

Nanguna sa Tigers si Karem Abdul na tumikada ng 20 puntos, 13 rebounds at dalawang blocks.

Pasok na pareho sa Final Four ang dalawa na kapwa may 8-5 marka. Jimbo De Guzman

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply