Bumbay binoga ng kapwa Bumbay

PINASLANG ang isang bumbay ng hinihinalang kapwa rin niya bumbay sa pamamagitan ng pagbaril sa Victory Norte, Santiago City, Isabela.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na kapwa Indian ang bumaril at pumatay sa biktima na si Sonia Bojawani, 30.

Base sa pahayag ng guwardiya na nagbabantay sa templo ng mga Indian sa Victory Norte, Santiago City, sakay ang biktima ng kanyang Honda Civic na kulay gray (plate number BBW 351) patungo sana sa isang apartment na katabi ng templo.

Ipinarada ni Bojawani ang kanyang sasakyan sa harapan ng templo saka pumasok sa bakuran ng apartment kung saan nakasalubong ang suspek na hindi pa batid ang pagkakailanlan.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa bago narinig ang ilang putok ng baril at saka tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka matapos ang pamamaril.

Agad namang isinugod sa ospital si Bojawani ngunit idineklara ng doktor na dead on arrival na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang likod at isa sa leeg.

Natagpuan sa pinangyarihan ang tatlong basyo ng bala mula sa kalibre .45.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply