Buntis, paslit tinepok sa taga sa Cebu

PAGNANAKAW ang hinihinalang motibo sa pamamaslang sa isang buntis at anak nitong 5-anyos sa loob ng kanilang bahay sa Baragay Naalad, lungsod ng Naga, lalawigan ng Cebu, ngayong umaga, Setyembre 9.

Nabatid na magkatabing natutulog sina Virgindina Bantilan, pitong buwang buntis, at anak nitong si Geraldine Bantilan nang bigla silang pasukin ng hindi nakilalang lalaki at agad inundayan ng saksak.

Dumaan pa umano sa tindahan ang suspek bago manloob sa bahay ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng pagnanakaw ang motibo ng suspek matapos makitang nagkalat ang mga gamit ng mga biktima habang ilan umano sa mga mahahalagang gamit ng mga ito ay nawawala.

Patuloy pa ngayong ini-imbestigahan ng Naga Police at ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nasabing pangyayari.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply