Buntis pinagtataga ng selosong mister

PATAY ang isang buntis nang pagtatagain at putulan pa ng dalawang kamay ng kanyang mister ng dahil lamang sa sobrang selos sa South Cotabato sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Saida Minda, 34, ng Sitio Kalang, Barangay Colongulo, Surallah, South Cotabato.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ulo at naputulan pa ng dalawang kamay dahil sa pananaga ang buntis na biktima.

Kasunod nito ay tinangka naman ng suspek na si Tudes Sugo, 40, na wakasan na rin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang tiyan at leeg gamit ang isang kutsilyo.

Napag-alaman na nakatakda na sanang  manganak ang biktima sa susunod na buwan subalit sa sobrang selos ng mister gamit ang isang itak na may dalawang talampakan ang haba ay pinatay nito ang kanyang misis.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply