BURLESK KING (Pwede Tingin, Bawal Salingin) Ika-35 labas

MABILIS na nilapitan ni Hazel ang anak at sinuyo.

“Nagkakamali ka, anak. Mahal kita kaya ka namin ipi-nakuha sa iyong ama. Bulag ang tatay mo kaya hindi ka niya mabibigyan ng magan-dang kinabukasan,” sabi ng babae.

Sinampal siya ni Angel.

Hindi napikon si Hazel …

Binigyan ng pagkain ang anak …

Itinapon ng bata …

Laruan naman ang ibinigay niya …

Muli itong itinapon ni Angel.

“Huwag mo nang pagurin ang iyong sarili. Nalason na ang batang iyan sa pagmamahal sa kanyang ama. Malabo mo nang makuha pa ang kanyang loob,” sabi ng kalaguyo.

Hindi umimik si Hazel pero lumayo sa anak …

Malalim na nag-iisip.

Dinampot naman ni Joven ang telepono …

Dumayal …

NASA bahay ni Aling Minda si Joseph …

Wala siya sa mood dahil sa pagkawala ng anak …

Nasa gayun siyang ayos nang biglang tumunog ang telepono sa salas.

Kaagad na dinampot ito ni Aling Minda at siya ang sumagot sa tawag.

Hindi niya kilala ang caller…

Si Joseph ang hinahanap.

“Ikaw daw ang gusto niyang makausap,” sabi ni Aling Minda sa bulag.

Pakapa-kapang lumapit ang una.

“G-Good morning po. Sino po ba sila at ano ang kailangan?” magalang niyang tanong.

“Makinig kang mabuti, bulag. Nasa mga kamay ko ang anak mo at kung gusto mo pa siyang makita, tubusin mo siya ng malaking halaga,” matapang na sagot ng caller na dili iba’t si Joven.

“N-Nasa iyo ang anak ko? Maawa ka sa kanya. Huwag mo siyang sasaktan,”
tarantang pakiusap ng bulag.

“Hindi siya maaano kung susunod ka sa gusto ko!”

“O-Opo… Opo! Ano po ba ang gusto ninyo na gawin ko?” tarantang tanong ng bulag.

“Tubusin mo ng dalawang milyong piso!”

“D-dalawang milyon? Wala akong pera. Bulag ako. Wala akong hanapbuhay!” tarantang sagot ni Joseph.

“Ulol! Kahit bulag ka, alam ko kung gaano kalakas ang raket mo. Madali mo lang ma-poproduce ang perang iyon kung gugustuhin mo!”

Biglang nag-isip si Joseph at biglang pumasok sa isipan niya si Glenna.

Tatanggapin na niya ang alok ng dalaga pero magpapa-dagdag siya ng presyo …

Ang kabayaran, kung kailangang magpaalipin siya sa dalaga ay gagawin niya.

“B-Baka hindi ko kayanin ang dalawang milyon. Pero ang isang milyon, magagawan ko ng paraan,” sabi ni Joseph.

“Puwede na iyon pero bilisan mo. Sa susunod kong pagtawag, kailangang nakahanda na ang pera kundi’y masama ang mangyayari sa anak mo,” matapang na sabi ni Joven sabay baba sa hawak na telepono.

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Joseph matapos ang pag-uusap nila ng kabit ng asawa.

Mapipilitan siya ngayong lunukin ang kanyang pride para maibigay ang ransom money na hinihingi ng kidnaper ni Angel.

Samantala, tuwang-tuwang nilapitan ni Joven si Hazel.

“Malapit na tayong magkaroon ng pera, sweetheart,” sabi ng lalaki.

“P-Paano?” ingos ng babae.

“Tutubusin ng bulag mong asawa ng isang milyong piso ang anak mo!”

“Saan naman kukuha ng pera iyon?” walang bilib na tanong ni Hazel.

“Problema na niya iyon! Magsangla siya ng kaluluwa kay Satanas,” sabi ng lalaki saka malakas na humalakhak.

Matapos ang sinabi, siniil ng halik ni Joven ang babae.

Biglang itinulak ni Hazel ang lalaki.

“A-Ano ka ba? Nakikita tayo ng anak ko!” sabi ng una.

Mabilis na hinarap at pinandilatan ni Joven si Angel. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply