BURLESK KING (Pwede Tingin Bawal Salingin) Ika-49 labas

MALALIM na humugot muna ng buntong hininga si Joseph bago matatag na sumagot.

“Payag ako! Tinatanggap ko ang alok mo, Mr. Ching!” sabi ng bulag na macho dancer.

Napapalakpak sa tuwa ang amo.

“Magaling, Joseph! Tiyak na madali kang yayaman sa bagong trabaho na papasukin mo!” galak na sabi ng una.

Inakay na ni Dondon ang bulag patungo sa dressing room.

“Alam mo ba kung ano’ng trabaho ang papasukin mo, pare?” tanong ng waiter kay Joseph.

“Sinabi ko naman sa iyo, kahit ano’ng klaseng trabaho ay papasukin ko makaipon lang ako ng malaking pera,” sagot ng bulag.

“Desisyon mo iyan at wala akong magagawa. Pero gusto ko pa ring ipaalala sa iyo kung ano ang magiging trabaho mo.

Makikipagseks ka sa iyong kapareha sa iba’t ibang posisyon habang pinapanood ng maraming tao,” patuloy ni Dondon.

“Hindi pa ako bulag, alam ko na kung ano ang trabaho ng isang torero. Kung nakakakita ako, baka hindi ko tanggapin ang trabahong ito. Pero ngayong bulag na ako, hindi na kailangang magpikit ako ng mga mata dahil wala naman akong nakikita,” sagot naman ni Joseph.

Natawa si Dondon.

Idineretso ng huli ang bulag sa dressing room.

Karaka naman siyang iginayak ng taga-ayos bago siya sumalang sa stage.

Hindi pa ma’y pinag-uusapan na ng mga manonood ang bago niyang show.

Excited ang kanyang fans.

Mapapanood kasi nila ang bulag nilang idol kung paano makikipagkaplugan nang hindi nakikita ang kanyang kapareha.

“Sarap siguro niyang panoorin kung paano ipapasok ang kanyang alaga sa lungga na hindi niya nakikita,” kilig na sabi ng isang tibo.

“Kung donselya pa ang makaka-partner niya, tiyak na warat,” sabi naman ng kasamahang t-bird.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang magdilim sa stage.

Kasunod nito ang dagundong ng boses ng discjockey habang ina-announce ang pagdating ng kanilang star dancer.

Matapos ang kanyang sinabi, pumailanlang ang isang malamyos na musika habang dahan-dahang nagbabalik ang liwanag sa stage.

Hanggang sa ganap na magliwanag …

Nasa stage na si Joseph…

Mistulang buhay na Ma-chete sa ibabaw ng stage.

Nagsimula siyang gumi-ling …

Pagiling-giling ang balakang …

Pakadyot-kadyot sa hangin …

Mababaw ang kaligayahan ng mga manonood.

Makita lang nila ang kamatsuhan ni Joseph ay masaya na sila.

Mas lalo na kapag nakita nila kung gaano kalaki at kahaba ang nakalawit sa harapan niya.

Nagpapanik sila na parang fans ni Justin Bieber kapag nakita nilang mula sa ibaba ay magkukusa itong tumayo tapos ay parang kanyon na tuturo sa kanila.

Pero may higit silang inaa-batan na gagawin nito …

Kung paano ito papasok sa lungga na hindi nakikita.

Hindi magkamayaw ang palakpakan ng mga manonood nang matapos ang pagsasayaw ni Joseph.

Nang muling magdilim sa stage, sinundo ni Dondon ang bulag na macho dancer.

Inalalayan patungo sa isang pribadong silid.

“Hindi pa tapos ang trabaho mo. May pupuntahan tayo,” sabi ni Dondon kay Joseph.

“Saan tayo pupunta?” tanong naman ng huli.

“Hindi ba’t may tinanggap kang trabaho kay Mr. Ching? Ngayon ka na rin magsisimula!”

“G-Ganun?” gulat na tanong ng bulag.

“Tama! Ngayon din ay mapapalaban na ang iyong batuta kaya humanda ka!” sabi ni Dondon. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply