BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-36 labas

“TALIKOD!” pasigaw na utos niya sa bata.

Mabilis namang tumalikod si Angel.

Sinimulang lapanggahin ng lalaki si Hazel.

Kung saan-saan humagis ang mga damit na nahubad sa babae.

“J-Joven, ano ba?” tili ng babae nang bigla siyang ihiga ng lalaki sa sahig.

“H-Huwag dito. Doon tayo sa kuwarto.”

Biglang tumayo ang lalaki saka biglang hinila si Hazel …

Parang batang hinawakan sa magkabilang kili-kili at isinaklang sa kanyang harapan.

Pilit na ipinasok ang kanyang kahindigan sa pagitan ng mga hita ng babae saka humakbang papasok sa loob ng kanilang kuwarto.

“G-Grabe ka! Manyakis ka! Ang liit mo naman!” pamurang sabi ng babae.

“Maliit man daw at silid, talo ang larang malaki!” sagot naman ni Joven.

Tumingin lamang sa likuran si Angel nang makarinig ng malakas na lagapak ng sumarang pintuan.

Nasa loob na ang magkalaguyo …

Kagulong nagpapalipas na ng init ng katawan.

Nagsimulang mapaiyak ang bata nang maalaala ang ama.

Naiintindihan niya ang nangyayari at naaawa siya kay Joseph.

Bulag na’y tinatarantado pa ng asawa.

Sa mga sandaling iyon, kausap ng bulag si Aling Minda.

“Pakidayal nga po ng numero ni Glenna,” sabi niya sa matandang babae.

“Ano bang numero?” tanong naman nito.

Sinabi ni Joseph.

Sa kanyang opisina, nagulat ang dalaga nang biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng kanyang mesa.

Biglang natuwa si Glenna nang makilala ang caller.

“Ikaw pala, Joseph. Napatawag ka?” masaya niyang sabi.

“Tinawagan kita para sabihing tinatanggap ko na ang iyong alok,” sabi ng bulag.

“T-Talaga?” hindi makapaniwalang sabi ng dalaga.

“Kailangan ko na ang isang milyon na iniaalok mo sa akin!” deretsong sagot ni Joseph.

“Ngayon na ba? Bakit? Naka-schedule na ba ang operasyon mo?” tanong ni Glenna.

“Hindi sa operasyon ko gagamitin ang pera,” basag ang ting na sagot ng bulag.

“S-Saan mo pala gagamitin?”

“May kumidnap kay Angel at ipinatutubos siya ng isang milyong piso!”

“A-Ano? Tarantado iyon, a! Bulag ka na’t lahat, ikaw pa ang napiling gawan ng kalokohan. Maghintay ka riyan. Pupuntahan kita at magsasama ako ng mg pulis!” galit na sabi ng dating policewoman.

Tinotoo ni Glenna ang kanyang sinabi.

Makalipas lamang ang ilang minuto, magkasunod na dumating ang mobile car ng mga pulis at kotse ni Glenna sa apartment ni Aling Minda.

Karaka silang nagsagawa ng imbestigasyon.

Ipinatawag nila ang kalaro ni Angel na nakasaksi sa pagdukot nang hindi kilalang lalaki sa una.

Tinanong kung ano ang nangyari.

Maya-maya’y binalingan ng mga pulis si Joseph.

“Sa kalagayan mong iyan, hindi pag-aaksaya ng mga kidnaper na kidnapin ang anak mo kung hindi sila pamilyar sa mga galaw mo na puwedeng makadelihensiya ng malaking pera. Kilala mo ba sila?” tanong ng isang pulis.

“Tumawag siya at nagpakilala sa akin …” sagot ni Joseph.

“Sino raw siya?”

“Kabit daw siya ng aking asawa. Nagbabanta siya na kung hindi ko tutubusin ang anak ko, gagawan nila ng masama!”

Galit na galit si Glenna.

“Ano ba ang hitsura ng asawa mo?” tanong ng dating pulis.

Dinukot ni Joseph ang kanyang wallet …

“Nariyan ang larawan ni Hazel. Pakikuha mo na,” sabi ng bulag kay Glenna.

Mabilis namang kinuha ng dalaga ang larawan ng misis ni Joseph at sinipag ng tingin. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply