BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-40 labas

SERYOSO si Joven.

Alam niya na oras na hindi siya sumunod sa gusto nito, sasaktan siya ng lalaki.

Hindi na nakakibo ang babae.

Nagpalakad-lakad sila …

Naghahanap ng bahay na mauupahan …

May nakita sila …

Maliit lang na kuwarto …

Tatlong libo ang monthly …

Humihingi ang may-ari ng one month deposit at one month advance.

Kayang bayaran ito ni Hazel pero pagkabayad niya, two hundred na lang ang matitira.

Kapag kumain sila ni Joven, hindi niya alam kung magkano pa ang matitira.

Paano na pagdating ng bukas?

Mapipilitan na siguro siyang magsanla o magbenta ng alahas.

Pero iba ang plano ng kalaguyo …

“Maligo ka, Hazel,” utos ng lalaki.

Natigilan ang babae …

“Pagod ako, Joven. Pwede ba?” sabi ni Hazel.

“Gaga! Kung iniisip mong ako ang gagamit sa iyo, nagkakamali ka! Wala tayong pera, hindi ba? Gamitin muna natin sa hanapbuhay ang monay mo!” pasinghal na sabi ng lalaki.

Gimbal ang babae.

Gustong magsisi.

Kung alam lang niya na ganito ang sasapitin niya sa mga kamay ni Joven, hindi na sana niya naisipang pakisamahan ang lalaki at hindi na rin niya iniwan ang bulag na asawa.

SAMANTALA, nakabalik na ang mga pulis sa apartment na tinutuluyan ni Joseph.

Narito ang alalay ni Glenna na si Alan.

Dinala nito ang pera na ni-request nila sa mayamang dalaga.

Kasalukuyan silang nag-uusap nang may tumigil na mobile car ng mga pulis sa harapan ng apartment.

Mabilis na inakay ni Alan ang bulag patungo sa pintuan.

Sabik na gusto nilang malaman ang balitang dala ng mga pulis.

Pareho silang nanlumo sa nalaman.

Nakatakas sina Joven at Hazel at tiyak na dala si Angel sa kanilang pag-alis.

Kung nasaan sila ngayon ay patuloy pa rin nilang hinahanap.

“Tiyak na tatawag sila para ipatubos si Angel. Hintayin na lang natin ang tawag nila,” sabi ng bading na si Alan.

Nagpaiwan ang dalawang pulis …

Hihintayin niya ang pagtawag alinman kina Joven at Hazel para makipag-negotiate kay Joseph.

Naghihintay sila sa wala …

Wala kasi sa poder ng dalawa ang bata at hindi nila alam kung saan nagpunta.

Iba ang pinagkakaabalahan ngayon ni Joven …

Ibubugaw niya ang magandang kalaguyo para kumita ng malaking pera.

Pero hindi small time na kostumer ang hinahanap niya.

May mga kakilala siyang mayayamang negosyante at sa kanila niya ibubugaw ang magandang kinakasama.

Sa pamamagitan ng cellphone, may kinontak siyang numero.

Nabuhayan siya ng loob nang sumagot ang tinawagan.

“Ikaw pala, Joven. Kumusta ka na?” masayang tanong ng kausap.

“Ikaw ang gusto kong kumustahin, Sir. Kumusta na ang sexlife mo? Humahataw pa ba!”

“Kalabaw lang ang tumatanda, Joven. Basta’t maganda at bata, bumabata ang alaga ko!” sagot ng lalaki at malakaw na tumawa.

“May iaalok ako sa iyo, Sir. Bata pa at maganda. Tipong artista!” sabi ng lalaki.

“T-Talaga? Sino’ng artista ang kamukha?” excited na tanong ng lalaki.

“Bangs Garcia!”

“Ganyang beauty ang pinanggigilan ko. Magkano naman?”

“Trenta mil, bosing. Wala kang lugi, Sir. Tiyak na masusulit mo
ang halagang iyon!” salestalk pa ni Joven.

“Kung gayun, dalhin mo siya sa condo ko sa Ortigas. Doon ko siya kakarnehin,” tumatawang sabi ng negosyante. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply