BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-41 labas

NAKANGISING binalingan ni Joven si Hazel.

“May kostumer ka na! Mayaman at galante si Mr. Tirazona. Oras na masiyahan siya sa iyo, tiyak na bibigyan ka pa ng malaking tip bukod sa bayad,” masayang sabi niya sa babae.

Hindi umimik ang una.

Suklam na suklam siya kay Joven.

Pangako niya sa sarili, oras na magkaroon siya ng pagkakataon ay tatakasan niya ang lalaki.

Hawak sa kamay na hinila ng lalaki palabas sa kanilang tinutuluyan si Hazel.

Sumakay sila ng isang taxi.

“Pagbutihin mo ang trabaho. Huwag mo akong hihiyain kay Mr.
Tirazona kund’y malilintikan ka sa akin,” banta ni Joven sa babae habang sila ay nagbibiyahe.

Mahigit isang oras din silang nagbiyahe …

Hanggang sa makarating sila sa Ortigas Center …

Tumigil ang taxi sa tapat ng isang mataas na condo building.

Bumaba ang dalawa …

Wala ng pera si Hazel kaya ang tinitiyaneng pera ni Joven ang napabayad sa taxi.

Maya-maya’y pumasok na sila sa condo building.

Sinabi ng lalaki sa information kung sino ang kanilang pakay.

Kaagad naman itong tumawag sa unit ni Mr. Tirazona at nang kumpirmahin niya na hinihintay niya sina Joven ay kaagad silang pinatuloy.

Sumakay sila sa elevator paakyat sa 30th floor kung saan naroon ang unit ng mayamang negosyante.

Nag-doorbell si Joven …

Intercom ang sumagot …

Pumasok na raw sila, sabi ni Mr. Tirazona sa loob.

Lihim na humanga si Hazel sa ganda ng unit …

Maluwang ang salas at pulos state of the art ang mga kasangkapan palatandaang ubod ng yaman ang nakatira rito.

Pangarap niya ang tumira sa ganito kagandang lugar.

Hindi naglipat saglit at lumabas na si Mr. Tirazona …

Malaking lalaki pero may edad na …

Sa kabila nito, mukhang mainit pa sa seks.

Napangiti ito ng makita si Hazel …

“Siya ba ang babae na sinasabi mo? Tama ka, Joven. Napakaganda niya!” nakangiting sabi ng lalaki.

Pilit na ngumiti lamang ng babae.

Padisente ang kanyang dating.

Ayaw niyang isipin ng lalaki na eksperto siya sa kama.

“Iwan mo na siya rito, Joven. Bukas ko na siya pauuwiin,” sabi ni Mr. Tirazona.

“Ang datung?” nakangising tanong naman ng lalaki.

Mabilis na dumukot sa bulsa si Mr. Tirazona.

Isang sobre na makapal ang laman ang inilabas.

“Trenta mil iyan. Walang labis at walang kulang!” sabi ng mayamang negosyante.

Tuwang-tuwa ang lalaki.

Ang sama naman ng tingin ni Hazel sa kalaguyo.

Sa lalaki kasi ibinigay ang pera.

Baka pag-uwi niya ng bahay bukas ay naubos na ito ni Joven sa kanyang bisyo.

Nagreklamo si Hazel nang umalis na ang kalaguyo.

“Bakit sa kaniya mo ibinigay ang bayad? Hayop ang lalaking iyon. Ako ang nagtatrabaho pero siya ang taga-gastos ng kinita ko at hindi ako binibigyan,” sabi ng babae.

Natigilan si Mr. Tirazona.

“Ganun ba? Well … pagbutihin mo ang pagtatrabaho at kapag nasiyahan ako ay babayaran kita ng panibago,” sabi ng lalaki.
Napangiti si Hazel.

Ibibigay niya ang gusto ni Mr. Tirazona.

Kung pinaliligaya nga niya si Joven pero wala naman siyang napapala, ang mayamang negosyante pa ang hindi.

Sumunod na siya kay Mr. Tirazona sa kuwarto nito.

Muli ay hindi naiwasang humanga sa nadatnang mga magagandang gamit sa loob.

Pero gulat siyang napanganga nang balingan ang mayamang negosyante. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply