BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-43 labas

LUWA ang mga mata ni Joven sa mga sandaling iyon …

Nagpapanalo kasi siya sa larong poker na sinalihan …

Biro mong ang kanyang sixty thousand, umaabot na ngayon sa kalahating milyon.

Ang suwerte, bihirang dumating sa buhay ng isang tao …

At ang naglalaro sa isip ni Joven, dumating na ang kanyang suwerte …

Ngayon na ang itinakda ng kapalaran para bigyan siya ng pagkakataong yumaman.

Kaya lalo siyang nagahaman sa pera …

Nilakihan niya ang taya…

Makalipas lamang ang ilang minuto, pinagpawisan ng malamig si Joven …

Mukhang hindi totoo ang hula niya sa sarili na yayaman ngayon …

Ang kanya kasing kalahating milyon, kung gaano niya kabilis napanalunan, mas mabilis ang naging pagkatalo.

Ubos!

Lambot na tumayo si Joven at nagsigarilyo sa isang tabi …

Iniisip kung ano ang idadahilan kay Hazel kung bakit kisapmatang naubos ang pinagputahan niya.

Tiyak na magagalit sa kanya ang kalaguyo.

Pero uunahan niyang takutin ang babae …

Babantaang gugulpihin …

Maya-maya’y biglang nag-isip si Joven …

Kung kaninong mayamang kostumer ipapasa ang alindog ni Hazel matapos siyang gamitin ni Mr. Tirazona.

SA mga sandaling iyon, nagkakainitan na ang dalawa.

Tinupad ni Hazel ang kanyang pangako na tatrabahuhin nang husto ang mayamang negosyante.

Ang babae ngayon ang nasa ibabaw ng lalaki …

Tumaas-bumaba ang kanyang puwitan sa ibabaw nito na may kasamang paggiling ng balakang …

Ginawa na niya lahat ang kanyang magagawa …

Ginamitan ng muscle control si Mr. Tirazona …

Kaya naman sarap na sarap ang lalaki …

Ang mainit na paglalabas-masok ng higante niyang alaga sa loob ng lungga ng babae ay halos bumaliw sa kanya.

Sobrang galing ni Hazel…

Hindi niya maipaliwanag ang sarap na idinudulot sa kanya ng babae.

Hindi na natandaan ni Mr. Tirazona kung ilang ulit na tumirik ang kanyang mga mata sa kaligayahan.

Basang-basa na nga ang bedsheet ng kama dahil sa dami nang nagsanib na katas ng kaligayahan na bumasa rito.

Tumigil sila hindi dahil napagod at nagsawa kundi dahil nagutom sila sa ginagawa …

Umorder ng pizza pie at fried chicken si Mr. Tirazona…

Kumain muna sila ni Hazel…

Habang sila ay kumakain, ininterbyu ng lalaki ang babae…

At nalaman niya kung gaano katindi ang hangarin nito na iwanan na si Joven.

“Wala siyang kuwentang lalaki. Iresponsable siya at ako na ang bumubuhay sa kanya. Pero hindi ko siya malayuan dahil natatakot ako sa kanya. Baka maisipan niya akong patayin kapag hiniwalayan ko siya!” sumbong ni Hazel kay Mr. Tirazona.

Sa puntong ito siya inalok ng mayamang negosyante.

“I like your style, Hazel. Marami na akong babae na natikman pero sa iyo lang ako lumigaya nang ganito. Gusto mo bang ibahay kita?” tanong ni Mr. Tirazona sa babae.

Biglang napatingin ang una sa lalaki …

Kung seryoso siya sa kanyang alok, wala siyang balak na tanggihan para lamang makalaya sa kalupitan ni Joven. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply