BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-45 labas

“GANITONG wala na naman akong pera, hindi puwedeng magpahinga ang babaeng iyon,” inis na sabi ni Joven habang nagbibiyahe. “Wala akong pakialam kung magkandagasgas ang ‘ano’ niya.

Nakarating ang lalaki ng Antipolo.

Nagtraysikel na lang siya pauwi.

Nagtaka siya pagdating sa inuupahan nilang kuwarto …

Nakakandado sa labas …

Ibig sabihin ay walang tao sa loob.

Nagsalubong ang mga kilay ni Joven sa buwisit.

“Ang lukaret na babaeng iyon, umalis na pala sa condo ni Mr. Tirazona ay hindi pa umuwi. Tatamaan siya sa akin ‘pag nagkita kaming dalawa,” galit niyang banta.

Binuksan niya ang bahay at pumasok sa loob …

Nahiga sa higaang papag ….

Hihntayin niya si Hazel habang nagpapahinga …

Nakatulog ang lalaki …

Hapon na nang siya ay magising …

Wala pa rin ang kinakasama …

Muli niyang tinawagan si Hazel sa pamamagitan ng cellphone …

Muli ay ‘ouut of coverage area’ ang natanggap niyang sagot …

Nagsimulang mag-isip si Joven ….

Hindi maiwasang mag-alaala …

Pakiramdam niya ay hindi na uuwi ang kinakasama …

Tinakbuhan na siya ….

Paano na siya ngayon?

Thinking na mawawalan siya ng palabigasan, nataranta si Joven.

Lumabas ng bahay ang lalaki …

Gusto niyang hanapin si Hazel pero hindi niya malaman kung saan pupuntahan ang babae.

Nasa gayun siyang paglalakad nang isang van ang biglang huminto sa kanyang tabi.

Apat na lalaki na pawang armado pero hindi niya alam kung pulis o outlaw ang bumaba …

Bigla siyang sinunggaban …

“S-Sino kaya at ano ang kailangan ninyo sa akin?” gulat na tanong ng lalaki.

Nalaman niyang mga pulis ang dumampot sa kanya dahil sa sinabi ng isa.

“Sa presinto ka na magpaliwanag,” aniya sabay lagay ng posas sa kanyang mga kamay.

Isinakay siya ng mga ito sa van at nagbiyahe sila patungo direksiyon ng Maynila.

Lumong-lumo ang pakiramdam ni Joven.

Tinakbuhan na siya ni Hazel, nahuli pa ng mga pulis.

Sigurado siya na ang dahilan nang paghuli sa kanya ng mga pulis ay ang ginawa niyang pagpapakidnap sa batang si Angel.

Hindi siya nagkamali.

Pagdating niya sa headquarters ng mga pulis sa Maynila, kaagad siyang isinalang sa imbestigasyon.

“Magtapat ka na. Saan ninyo dinala ang bata?” tanong ng isang pulis.

Tumanggi si Joven.

“Hindi ko alam. Wala akong nalalaman sa itinatanong ninyo sa
akin!” matigas niyang sagot.

Nasa gayun silang ayos nang dumating si Joseph.

Kasama niya ang dating policewoman na si Glenna.

Ang bulag naman ang nagtanong kay Joven.

“Nakahanda na ang ransom money pero hindi kayo tumatawag. Nasaan ang anak ko?” tanong ng bulag.

Dahil galit, naisipan ng una na idiin sa kaso ang kalaguyo.

“Si Hazel ang nakakaalam kung nasaan ang anak mo dahil siya ang nagplano para dukutin ito. Pero matapos namin siyang makuha, tinakasan niya ako at hindi ko alam kung nasaan sila ngayon,” sagot ni Joven. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply