BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-46 labas

MATINDING galit ang nagtulak kay Joven para idiin ang kinakasama  na si Hazel.

“Nasa iyong asawa ang anak mo at wala sa akin. Sa kanya mo hanapin

ang iyong anak na si Angel,” sabi ng una kay Joseph.

“Paano ko siya mahahanap ay hindi ako nakakakita?” sagot naman ng

bulag.

“Huwag kang mag-alala, Joseph. Gagawin ko ang aking magagawa para

matagpuan namin siya,” garantiya naman ng dating policewoman.

Lingid sa kaalaman ni Joven, nasa condo pa rin ni Mr. Tirazona si Hazel.

Wala na siyang balak bumalik sa kinakasama.

Maganda ang usapan nila ng negosyante.

Silang dalawa na ang magsasama.

Ang daming benepisyo ang ipinangako sa kanya ng lalaki.

Bibigyan siya ng sariling condo unit, kotse at savings account sa bangko.

Dahil dito, paano pa siya mag-iisip na bumalik kay Joven gayung wala siyang napapala sa lalaki kundi hirap ng katawan at sama ng loob.

Kay Mr. Tirazona, okey lang na babuyin niya ang sarili dahil malaki ang kanyang mapapakinabang.

Anyong solb na ang lalaki kaya kahit patuloy siyang nilalandi ni Hazel ay sinaway na niya ang babae.

“Tama na muna, iha. I’ts about time para ipakita ko naman sa iyo na seryoso ako sa aking pangako.

Magbihis ka dahil may pupuntahan tayo.”

“Saan tayo pupunta?”

“Huwag ka nang magtanong. Basta’t sumama ka sa akin at tinitiyak ko sa iyo na masisiyahan ka sa mga lugar na pagdadalhan ko sa iyo,” nakangiting sagot naman ni Mr. Tirazona.

Dahil sa sinabi ng lalaki, hangos na pumasok sa banyo si Hazel para maligo muna.

SA mga sandaling iyon, hindi mawala ang pag-aalala ni Joseph.

Ang kaligtasan ng anak ang patuloy na inaalala.

Nakaalis na si Glenna kasama ang mga pulis.

Nang lumapit sa kanya si Aling Minda.

“Dumating si Dondon. Hinahanap ka,” sabi ng matandang babae.

“Papasukin mo po siya!” sagot naman ng bulag na macho dancer.

Narinig niya ang papalayong yabag ni Aling Minda.

Makalipas ang ilang saglit, narinig niya ang tinig ni Dondon.

“May ipinasasabi si Mr. Ching. Pumasok ka raw mamaya. Hindi ka puwedeng mawala sa gaybar. Babagsak ang negosyo niya,” sabi ng alalay.

“Hindi ba niya alam na nawawala ang anak ko?” sagot ni Joseph.

“Alam na niya at handa siyang sumuporta sa paghahanap kay Angel.

Pero hinihiling niya na huwag mong pabayaan ang iyong trabaho,” sabi ni Dondon.

Malalim na humugot ng buntong hininga ang bulag.

“Pakisabi sa kanya na papasok ako. Sunduin mo ako rito mamaya,” sabi ni Joseph.

“Tiyak na matutuwa siya sa sagot mo!” sabi ni Dondon.

SA mga sandaling iyon, nasa isang bagong condo building sa Ortigas sina Mr. Tirazona at Hazel.

Halos mapasigaw sa tuwa ang babae nang makita ang unit na ibibigay sa kanya ng lalaki.

Maganda at fully furnished na.

“Thank you, Mr. Tirazona. Ang bait-bait mo,” masayang sabi ng babae.

“Huwag kang magpasalamat. Ibinigay ko ito sa iyo dahil napaligaya mo ako. At hindi lang iyan ang mapapala mo sa akin,” sagot naman ng mayamang negosyante.

Matapos libutin ni Hazel ang kabuuan ng bagong condo unit na kanyang-kanya na ngayon, muli silang umalis ng lalaki.

Sa tindahan naman ng mga kotse siya dinala.

“Pumili ka na ng gusto mong modelo at bibilhin ko para sa iyo,” sabi ni Mr. Tirazona.

Parang gustong malunod ni Hazel sa sobrang kaligayahan.

Kaya naman kahit halos magkandabisaklat ang kanyang pagkababae habang ginagamit ng lalaki ay wala siyang pinagsisisihan. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply