BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-48 labas

HINDI pa marunong magmaneho ng kotse si Hazel pero may maganda at bagong kotse na.

“Paano ko naman magagamit iyan ay hindi pa ako marunong magmaneho?” tanong ng babae kay Mr. Tirazona.

“No problem! Ako mismo ang magtuturo sa iyo para matututo kang magmaneho pero sa isang kundisyon,” nakangiting sagot ng lalaki.

“A-Ano’ng kundisyon?”

“M amayang gabi ay magbibiyahe tayo at ikaw ang magiging driver,” makahulugang sabi ng mayamang negosyante saka malakas na tumawa.

Madaling nahulaan ni Hazel ang gustong mangyari ni Mr. Tirazona.

Pati siya ay natawa.

“Huwag kang mag-alaala, sweetheart. Kahit saan mo gusto ay ihahatid kita. Ipakikita ko sa iyo mamaya kung gaano ako kahusay magmaneho,” sabi ng babae.

Malakas na nagkatawanan ang dalawa.

At kahit marami ang nakakakita ay walang pakialam na nagyakap at naghalikan.

Hindi tuloy naiwasang magbulungan ng mga ahente ng kotse.

“Ang suwerte naman ng matandang iyan. Ang ganda at ang seksi ng syota niya at mukhang batambata,” sabi ng isa.

“Kaya naman ibinili niya ng kotse!”

“Kahit ako kung kasing yaman ako ng matandang iyon ay ibibili ko rin siya ng kotse. Kahit ano ay ibibigay ko sa kanya basta’t lagi niya akong bubusugin sa dyug!” sagot naman ng katabi.

Hindi nila naiwasang matawa pero kontrolado.

Baka kasi isipin ni Mr. Tirazona na sila ang kanilang pinagtatawanan ay mawalan ng gana at hindi na ituloy ang planong pagbili ng kotse.

SA mga sandaling iyon, naggagayak na si Joseph.

Kahit may problema, kailangang harapin niya ang kanyang trabaho.

The show must go on, sabi nga.

Pakapa-kapang pumasok na siya sa banyo at naligo.

Kapag may kailangan, tinatawagan na lang niya si Aling Minda para humingi ng kanyang mga gamit.

Padilim na nang daanan siya ni Dondon.

Ang kalugar na waiter ang maghahatid sa kanya patungo sa pinapasukang beerhouse na pag-aari ni Mr. Ching.

Hindi pumayag si Aling Minda na hindi siya naghahapunan bago umalis.

Ilang saglit pa at lulan na sila ng isang taksi patungo sa gaybar.

Nag-uusap sila ni Dondon habang nagbibiyahe.

“Kung talagang kinidnap nila ang anak mo at balak ipatubos, bakit hanggang ngayo’y wala pang tumatawag sa iyo para makipagnegosasyon  tungkol sa ransom?” tanong ng waiter.

“Hindi ko nga maintindihan kung bakit,” sagot naman ng bulag.

“Wala bang masabi ang nahuling kalaguyo ng iyong asawa kung nasaan si Hazel?” tanong pa ni Dondon.

“Wala at ang sabi niya, tinakbuhan daw siya ng asawa ko dala an gaming anak!”

“Ganun nga kaya ang nangyari?”

“Ewan ko!” malungkot na sagot ni Joseph.

Nagpatuloy na ang kanilang biyahe.

Natrapik sila …

May batang babae na kumatok sa saradong bintana ng taxi …

Nakasahod ang kamay …

“A-Ano iyon?” tanong ng bulag.

“May batang babae na namamalimos,” sagot ni Dondon.

“Ano’ng hitsura niya?” tanong ni Joseph.

“About six years old. Maputi at mahaba ang buhok!”

Biglang nagliwanag ang mukha ng bulag.

“K-Kamukha siya ni Angel. Hindi ba siya ang anak ko?” sabik na tanong ni Joseph. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply