BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-54 labas

MALALIM na nag-iisip si Joseph habang nagbibiyahe.

Ang among si Mr. Ching ang laman ng isipan.

Kung pagbibigyan nito ang kanyang kahilingan sakaling maisipan niyang mangutang.

Mabait sa kanya ang amo. Sa paniniwala niya ay hindi siya bibiguin nito.

Naputol ang malalim na pag-iisip ng bulag nang maramdamang huminto ang taksi na sinasakyan.

“Narito na tayo, Joseph,” sabi ni Dondon.

Naunang bumaba ang waiter at inalalayan ang una sa pagbaba sa taxi.

Siya na rin ang kumatok sa pintuan ng apartment ni Aling Minda.

Nagbukas ng pintuan ang matandang babae …

“Dadaanan na lang ulit kita rito, pare,” sabi ni Dondon kay Joseph.

“Sige, Dondon. Maraming salamat!” sagot naman ng bulag.

Nang umalis na ang wai-ter, inakay ni Aling Minda si Joseph patungo sa kuwarto nito.

“Kung nagugutom ka, ipaghahain muna kita,” sabi ng matandang babae.

“Busog po ako. Bukas na lang po!” sagot naman ni Joseph.

Idineretso na ni Aling Minda ang bulag sa kanyang silid.

Ikinuha ng bihisan …

“Wala pa bang balita tungkol kay Angel?” tanong ng matandang babae bago lumabas ng kuwarto. “Nami-miss ko na ang batang iyon.”

“Wala pa ho. Sana’y makakita na ako para personal ko siyang mahanap. Mahirap hong umasa sa iba,” malungkot na sagot ni Joseph.

“Ang problema, paano ka makakakita?” tanong ni Aling Minda.

“Kapag naoperahan na ho ang aking mga mata.”

“Kailan ka naman maooperahan ay wala kang pera kundi ang ranson money para kay Angel na ipinautang ni Glenna,” sabi ng matandang babae.

“May awa ho ang Diyos. Makakakita rin ako,” sagot naman ng bulag.

Hindi na nagsalita si Aling Minda at lumabas na ng kuwarto.

Nang marinig ni Joseph ang lagapak nang sumarang pintuan, nagsimula na siyang magbihis tapos ay nahiga sa kama para matulog na.

Nang magsimulang matulog ang bulag, nagising naman si Glenna sa kanyang bahay.

Maaga kasing tumunog ang telepono sa bandang ulunan.

Inabot niya ito para alamin kung sino ang caller.

Ang bading na alalay ang nasa kabilang linya.

“Ang aga mo namang tumawag. Natutulog pa ako. Nakakaistorbo ka!” may pagkainis sa tinig na sabi ng dalaga.

“May good news kasi ako sa iyo at hindi ako mapakali hangga’t hindi nasasabi sa iyo,” ani Alan.

“Ano namang good news iyon,” naghihikab na tanong ng dalaga.

“Tungkol kay Joseph!”

Biglang napabangon sa pagkakahiga si Glenna nang marinig ang pangalan ng bulag.

“What about him?” tanong niya.

“Hindi lang basta pagsasayaw sa gaybar ang trabaho niya ngayon.”

“A-Ano’ng trabaho? Huwag ka na ngang magpaligoy-ligoy pa. Bilisan mo ang pagkukuwento dahil nabubuwisit na ako sa iyo,” asar na sabi ng dalaga.

“Bukod sa pagiging macho dancer, torero na siya ngayon. At klik na klik siya sa bago niyang trabaho!” sagot ni Alan.

“P-Pati ganu’ng klase ng trabaho, nagawa niyang pasukin?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

“Hindi ako ang nakapanood kundi isang kadugo ko ang nagkuwento sa akin. Ang tindi raw ng performance ni Joseph at kahit bulag ay ang galing sa sex acrobatic!”

“Tama na!” inis na sabi ni Glenna. “Saan ba matatagpuan ang gay bar na pinagtatrabahuhan niya ngayon?” inis na tanong ng dating pulis.

“Sa Parañaque!”

Sa puntong ito natapos ang kanilang pag-uusap.

Inis si Glenna nang ibaba ang hawak na telepono.

Ang gaganda ng offer niya kay Joseph pero binalewala tapos ay tumanggap ng ganitong uri ng trabaho.

Hindi niya mapapalampas ang ginawang pagbalewala sa kanya ng bulag. ITUTULOY

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply