Bus na masasangkot sa aksidente susupendihin

SUSUSPINDEHIN ng 30 araw ang operasyon ng mga bus na masasangkot sa aksidente sa lansangan.

Ito ang lumilitaw na standard on procedure (SOP) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos muli na namang masangkot sa aksidente ang isang pampasaherong bus na ikinamatay ng tatlo katao, sa Misamis Oriental noong isang gabi.

Ayon sa Monitoring Center sa Central Office Quezon City ng LTFRB, bumangga ang isang motorsiklo na may angkas na dalawang iba pa sa isang Bachelor Bus sa Gingoog City sa Misamis Oriental.

Sa report ng Gingoog City Police, namatay sa aksidente ang drayber ng motorsiklo na si Abdul Dariray ng Tandav, Surigao del Sur.

Patuloy ang imbestigasyon ng local traffic police upang malaman ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pang nasawi na angkas ni Dariray sa motorsiklo.

Ang drayber ng bus na kinilala na si Catalino Gadana ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ay patuloy na iniimbestigahan at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang dapat na papanagutin sa naturang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply