Busisiin ang education budget

IPINALALABAS ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sinungaling ang mga estudyante ng state universities sa pagsasabing binawasan ng pamahalaan ang pondo para sa education.

Sa libo-libong nagdemonstrasyon last week laban sa budget cut ay mahirap paniwalaan na nagsinungaling ang mga estudyante sa kanilang protesta tungkol sa kanilang daing.

Hindi lamang ang mga estudyante ang umalma, pati na rin ang mga guro at faculty member.

Ang nakaiinis ay ang payo ni Abigail sa mga estudyante. Ang sabi ng deputy presidential spokesperson, dapat na itigil na ng mga estudyante ang kanilang protesta.

Sa halip ay mag-concentrate raw ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Hindi ko alam kung authorized ni President PNoy si Abigail sa pagpapayo niya sa mga estudyante. Kung totoo, etong si President Noynoy at ang kanyang assistant spokesman ay masyado nang aloof o manhid sa pakikitungo sa mga estudyante at mga teacher ng state universities.

Si Abigail at ang kanyang President ay baka walang pakiramdam sa lumalalang estado ng edukasyon sa Pilipinas.

Ang dapat yatang mag-aral uli ay ang mga opisyal ng gobyerno na walang ginagawa kundi saktan ang damdamin ng mga mag-aaral.

Kulang na lang na insultuhin ang mga bata.

Okay lang marahil na bastusin ang mga estudyante pero hindi ba ang turo ng Department of Education ay huwag magsisinungaling at huwag lalabag sa kagandahang asal?

At paano ang utos na huwag magnanakaw kung mismong mga taga-Department of Education ang sangkot sa nakawan, sa mga overpricing at mali-maling textbook na sapilitang ipinagbibili sa mga pobreng estudyante?

Sabi ni Abigail, ang budget daw para sa state universities and colleges ay 10.1 percent higher sa proposed national budget for 2012.

Pero ano ang sabi ni Vencer Crisostomo, spokesperson ng  Kilos na Laban sa Budget Cuts, the P146 million cut on the budget for [SUCs] will lead to higher tuition rates and bloated miscellaneous fees, making edu-cation a privilege exclusive to those who can afford [it].

Warning ni Crisostomo, ang mga congressman na magpapasa ng ating national budget ay “like a thief in the night.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply