Busog na gobyerno, gutom na tao

DOBLE, triple talim, Suki, ang istayl ng gobyerno para magkapera.

Pero hindi naman ito kinakikitaan ng doble talim na pagbibigay biyaya kay Juan.

Dahil sa doble talim na paraan ng gobyerno para kumita ng malaki, lalong yayaman ito.

Pero ang mamamayan lalong maghihirap at magugutom.

oOo

Kapain natin ang nangyayari.

Oo nga at hindi ito magtataas ng buwis pero maniningil naman ito ng 20 hanggang 200 porsiyento sa lahat ng mga transaksyon nito kay Juan.

Sa fees and charges mamimiga ang gobyerno. Sa madaling salita, kung kukuha ka ng klirans, lisensiya, prangkisa, titulo sa lupa, certificate at iba pa, sisingilan ka ng mula 20% at kung nasa import-export ka sa Bureau of Customs, 200%.

Pero hindi lang dito pupuwede kang pagkakitaan ng gobyerno.

Magpapatuloy ang 12% expanded value added tax at hahayaan ang mga pribadong kompanya na singilan ka ng hanggang 250-300% bayarin gaya sa toll sa mga haywey at kikita pa rin ang gobyerno rito ng EVAT at iba pang kita.

oOo

Sa kabilang banda, hindi naman kinakikitaan ang gobyerno ng tulong.

Halimbawa sa problema ni Juan sa kuryente, langis, tubig at trabaho.

Sobra ang taas ng kuryente, tubig at langis pero ipinapako si Juan sa kontraktuwalisasyon na doon napakababa ang kita at walang maaasahang matagalang trabaho.

Palibhasa, kumikita pa rin ang gobyerno ng EVAT sa langis, tubig, kuryente at iba pa.

Simple lang ang larawan ng buhay ni Juan na kanyang bubunuin.

Buhay Hacienda Luisita na klaro ang paghihikahos ng mga magsasaka, sakada at obrero habang nasa pusod nito ang sobrang kasaganaan ng iilang nilalang lamang. Huhuhu!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply