Cagayan, Isabela nasa signal No. 2 na

INILAGAY na sa storm signal number 2 ang Cagayan at Isabela dahil patuloy na lumakas ang bagyong Quiel habang ito ay papalapit sa Northern Luzon.

Ang bagyo ay taglay ang kaparehong lakas ng bagyong Pedring na umaabot sa 140 kilometro bawat oras habang may pagbugso ng hangin na umaabot sa 170 kilometro kada oras.

Ayon Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administartion (Pagasa) na bukas ng umaga ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan-Isabela ang mata ng bagyo.

Bukas naman ng hapon ay inaasahang nakalabas na ang bagyong Quiel sa kalupaan at tatahakin ang direksyon pa-West Philippine Sea.

Inaasahan rin na ang mga lugar na malubhang naapektuhan ng bagyong Pedring ay sasalantain ng bagyong Quiel lalo na ang Northern at Central Luzon na ngayon ay nakararanas pa rin ng malawakang pagbaha.

Samantala, nasa signal No. 1 ang Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Benguet, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra.

Hindi naman gaanong maapektuhan ng bagyong Quiel ang Metro Manila dahil maliit lang dayametro nito kung ikukumpara sa bagyong Pedring.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply