Call center agent na-hit-and-run pisak

NAMATAY ang isang call center agent makaraang ma- hit-and-run sa Pasig City madaling-araw ng Miyerkules, Setyembre 7.

Ayon sa report ng dzBB, nasagasaan si Cherry May Lagumbay habang tumatawid sa isang kalye ng Mazda bandang 12:30 a.m. sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Nabatid na hindi man lamang hinintuan ng driver ng pulang Mazda si Lagumbay na umano’y matulin na nagmamaneho.

Kaagad namatay si Lagumbay matapos ang insidente.

Hindi naman nakuha ang license plate number ng naturang sasakyan ngunit sinusubukan itong makita ng mga imbestigador sa closed-circuit television (CCTV) footage upang makakuha ng lead.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply