Camille shock pa rin sa pagkawala ni Anthony

USAP-USAPAN talaga ang bersyon ni Carmi Martin na: “Tigilan na ang Lucy Torres at ilabas na ang Gretchen Barretto” sa pelikulang ‘No Other Woman’ ng Star Cinema at Viva Films.

Tinanong ang isa sa bida na si Cristine Reyes kung sino ang gusto niya between Lucy and Gretchen Barretto.

“Siyempre, alam ng lahat na nandoon na ako, Gretchen.

“Pero, sa totoo lang po, gusto ko po talaga Lucy Torres.

“Kasi, ganoon po talaga ako. Gusto ko perfect wife, perfect life, perfect family.

“Sa Gretchen naman, yun nga, kung kailangan lumaban…” Feeling naman niya ngayon ay nasa perfect relationship siya with Rayver Cruz.

“Ako, perfect na. At saka, ayokong mang-cheat.”

Tsuk!

-0o0-

Nabiyuda si Camille Prats sa edad 26. Tatlong taon na silang kasal ni  Anthony Linsangan at may tatlong taong gulang na anak na si Nathan.

Ayon sa cast ng ‘Banana Split’ na si John Prats, three months after ikasal ito kay Camille, na-diagnose itong stage 4 na sa pharyngeal cancer.

Ang sintomas daw ay ‘yung jaw niya ay parang may bukol at yung pandinig sa left side ay naapektuhan.

“Nung na-diagnose, ang mag-asawa, full of hope, e. Parang, ‘tara, gamutin natin ito.’

“Hanggang unti-unting inubos si Anthony ng chemo, radiation, medication, and kuma- lat ang cancer cells.

Umabot na sa spinal [column], bone cancer hanggang sa lungs niya,” kuwento pa ni John.

Ibinunyag pa ni John…

“Actually, three months ago, he stopped medication and puro pain management na.

“Kasi if he will undergo another level of chemo and radiation, that would kill him agad.”

Nakaburol si Anthony Linsangan  sa isang chapel ng Heritage Park sa Taguig City.

-0o0-

Very proud ang Totale Image Asia na sina Direk Gareth Blanco at Ms. Hemilyn Escude- ro kay Bela Padilla  dahil sila ang nag-train bago ito tumulak sa China para sumali sa Asian Supermodel. Nanalo siya ng special award na Ms. Media Favorite at Ms. Friendship. Binigyan nila ito ng presscon at victory party kasama ang Mrs. Philippine-Universe na si Erilene ‘Noche’ Tumali na tumanggap din ng special awards na Mrs. Sponsors at Mrs. Universe LTD sa ginanap na Mrs. Universe 2011. Isa pa sa hinawakan ng Totale Image Asia ay ang Binibining Unibersidad 2011 winner na si Bren -na Cassandra Gamboa na nasa Fiji ngayon para i-represent ang Pilipinas sa Ms. World Supermodel 2011.

Praparation na pala ito kay Bela dahil next year ay sasali na rin siya sa Ms. World Philippines.

Ayaw ba niya sa Binibining Pilipinas?

“Kapuso star kasi ako at sa GMA 7 din ipinapalabas ang Ms. World kaya nandun ang loyalty ko,” sey ng young actress.

Anyway, nu’ng Friday night ay nagkaroon ng contract signing ang Totale Image Asia at si Ms. Claire dela Fuente na lahat ng talents niya ay ite-train kasama na si Jensen Kyra Tenoso of Protégé.

Pati ang kanyang anak na si Leroy dela Fuente, bagong alaga na si Yam Concepcion , Maffy Soler  at si Sam Pinto ay nagte-train ng personality development sa Totale Image Asia na matatagpuan sa Timog Avenue, QC.

Talbog!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply