Cardinals inagawan ng puwesto sa no. 4

NANGANGANIB ang Mapua Cardinals sa Final Four dahil nalaglag sila sa pang-limang puwesto matapos talunin ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang Perpetual Help Altas, 64-57 sa nagaganap na 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan kahapon, (Setyembre 23).

May kartang 6-9 win-loss ang Cardinals kung saan ay kasalo nito ang guest team Lyceum of the Philippine University Pirates habang 7-9 ang record ng Heavy Bombers na nagsosolo ngayon sa fourth spot.

Sumampa sa unang pagkakataon ngayong season ang JRU sa top four matapos humugot ng isa pang quarter upang kalusin ang laglag ng Altas.

Mahaba pa ang nalalabing oras sa fourth canto, (1:07) ng magtabla sa 52 all sa sinalpak na puntos ni George Allen ng Altas, subalit hindi na nakapuntos ang magkabilang koponan kaya naman nauwi sa overtime.

Kumamada ng limang puntos si Byron Villarias sa OT upang hindi na mauulit ang pagsingit sa kanila ng Perpetual sa triple-overtime, 79-77, noong first round.

Isang pabandang tres ang sinalpak ni Villarias upang ilayo ang JRU, 57-54, may 2:38 sa extension.

Tumikada ng tig-11 points sina Byron Villarias at Raycon

Kabigting habang may 10 markers si John Lopez.

Nakabalik naman sa second spot ang defending champion San Beda College Red Lions ng kawawain nito ang Arellano University Chiefs, 84-60.

Naagaw ng Letran Knights ang second place sa SBC at ngayon ay magkasalo na sila na may parehong 12-2 panalo-talo baraha.

Samantala, kailangang manalo ng Cardinals sa Lunes laban sa Emilio Aguinaldo College Generals upang makabalik sila sa F4 habang importante ring magwagi ng Knights sa Altas para masolo muli ang no.2.

Sa juniors, tumuloy-tuloy sa 14-0 record ang defending back-to-back champion San Beda Red Cubs nang pupugin ang Arellano U Baby Chiefs, 79-59, habang pinasabog ng Light Bombers ang Junior Altas, 98-67.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply