Caretaker todas sa pamamaril

NAPATAY ang isang binatang caretaker makaraang barilin ng isang armadong lalaki kaninang madaling araw, Setyembre 16, sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga ng isang tama ng bala ng calibre .45 pistol sa sentido ang biktimang si Mike Joel Buena Obra, 32.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Simplicio Respicio ng Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS), ang insidente ay naganap dakong 1:00 kaninang madaling araw sa harap ng Melbin Bakery na nasa M. dela Cruz, Pasay City.

Bago naganap ang pamamaslang sa biktima, nakipag-inuman ito sa kanyang dalawang kaibigan na matagal nang hindi nagkikita bandang alas-11:00 ng gabi, Setyembre 15.

Makalipas ang ilang oras, dumating ang suspek na nakasakay sa isang motorsiklong walang plaka at nakasuot ng itim na jacket at natatakpan ang mukha ng helmet.

Pagtapat ng suspek, binunot nito ang baril at pinaputukan ang biktima sa sentido na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Inaalam pa ng imbestigador ang motibo sa pamamaril sa biktima at inaalam pa ang mapagkikilanlan sa suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply