Carmina Villaroel secure sa pagkalalaki ni Zoren Legaspi

SAY pa sa blind item na aming nabasa recently lang ay si Carmina Villaroel daw ang “peg” ng ex na si Bebe Gandanghari. At dahil idolo niya ang dating misis kapag nakita mo raw ngayon ex ni Menang na modelo na ng isang sikat na Modelling agency sa New York ay very Carmina na ang looks nito. Pero noong nagsasama pa sila ni Bebe (dating Rustom Padilla), ni sa guni-guni man lang ba ay hindi sumagi sa isipan ng nabanggit na aktres na bading ang kanyang napangasawang aktor.

Hindi raw at ayaw na niyang magbigay pa ng komento ukol rito. Pero pagdating sa kasalukuyang mister na si Zoren Legaspi, na iniintriga ring baka raw maging gay dahil ang galing-galing nitong mang-intriga sa Chakarazzi, walang buckle itong sina got ni Carminang secured siya sa pagkalalaki ni Zoren.

kasi kung hindi ay baka panawan na siya nang ulirat at maging si Sisa na.

Hahaha! Si Zoren, kahit gumanap pa yatang bading sa TV at pelikula ay ‘yun na siya, brusko at lalaking-lalaki talaga. May mga parinig pa nga ito sa co-host sa Chakarazzi na si Ruffa Guttierez na kanyang ex no? Kalokah!

Ang question niya sa TV host-actress ay kung sino sa mga naging karelasyon nito ang magaling sa bed. Di ask natin si Menang kung mahusay ba sa kama ang kanyang Papa Zoren. Wapak, gyud!

***

Walang halong exaggeration, pero talagang majority ng ating mga kababayan, lalung-lalo na ang mga avid and loyal viewers ng Eat Bulaga, hindi talaga umalis ng bahay noong Sabado para mapanood lang ang much awaited na Part 2 ng Ultimate Beauty Pageant na EB Universe 2011.

Ang tindi ng competition sa naiwang Top 5 na sina Miss Pachina (Ate Gay), Miss Panggola (Allan K), Miss Lukraine (Mitchelle O’Bombshell), Miss Venenzuelat (Wally Bayola) at ang pinaka-pretty, sexy at brilliant sa kanila na si Miss Philippines Shamcey Mwahmwah Tsup-tsup (Paolo Ballesteros). Kahit pa nag-dialog itong si Miss Panggola nang “The crown is mine.” Wala siyang nagawa kundi ang magtaas na lang ng kilay sa audience nang tawagin ang kanyang name bilang EB Universe 1st Runner-Up at si Shamcey Tsup-tsup na tinanghal na EB Universe.

Sobrang enjoy panoorin ang ultimate beauty pageant na ito lalo na itong si Miss Venezuelat, na ang lakas at tindi nang ilusyon na makukuha niya ang crown.

he he he!

Pagdating talaga sa mga ganitong pageant panalo ang konsepto ng Eat Bulaga.

Kasi, talagang maaaliw ka sa mga Dabarkads na kasali rito dahil hindi lang bading na bading ang dating nila kundi multi-talented pa! Sina Pia Guanio at Michael V. pala ang nagsilbing host ng EB Universe. Congratulations gyud Shamcey Tsup tsup!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply