Case conference kay Michael Ray Aquino gagawin ngayon

ISASAGAWA ngayon (Miyerkules, Setyembre 7) sa Manila Regional Trial Court (MRTC) ang case conference sa kasong kinakaharap ni dating P/Sr.Supt Michael Ray Aquino na isinasangkot sa pagpaslang kay Salvador Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.

Ayon kay Atty. Simonette Sibal-Pulido, isa sa mga abugado ni Aquino na dakong 2:00 ngayong hapon isasagawa ang case conference kung saan lalagyan ng markings ang mga ebidensya na kanilang ipipirisinta sa korte para sa trial proper na itinakda naman sa Setyembre 14.

Ang dalawang mosyon na una na nilang inihain ay patuloy ding didinggin.

Kabilang ang mosyong humihiling para sa pagpapatuloy ng pagkakapiit ni Aquino sa National Bureau of Investigation (NBI) at ang mosyon para isailalim sa reinvestigation ang naturang kaso

Si Micheal Ray ay naghain ng not guilty plea noong Agosto 1 nang basahan ito ng sakdal sa sala ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng RTC Branch 23. Jocelyn Tabangcura-Domenden)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply