Casio okay na sa Powerade; Raymundo lalaro sa B-Meg

OPISYAL nang maglalaro si top rookie draft pick JV Casio sa Powerade Tigers sa paglulunsad ng PBA Season 37 sa Oktubre 2 sa Smart Araneta Coliseum habang nasa negosasyon pa sa pagitan ni Kerby Raymundo at ng management ng B-Meg Derby Ace sa planong lagdaan ng kontrata.

Isang taong kontrata na may katumbas na P8.7 milyong sweldo na babahagiin sa P150,000 kada buwan sa unang taon, P225,000 sa ikalawang taon at P350,000 sa ikatlong taon ang makukuha ni Casio.

Si Raymundo na kararating matapos na dumaan sa therapy sa USA sa tinamong pilay ay nangangailangan pa ng isang linggo para tuluyang gumaling. Sa pagpasok ni Raymundo sa Llamados, si Don Allado ay ipapasa ng Llamados sa Barako Bull habang si Raymundo ay makakasama ni Mark Barroca matapos i-trade ang kanilang pick ng Shopinas Clickers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply