CBCP sa mga pro-RH bill: Suriin muli ang panukala

HINIMOK ni Fr. Melvin Castro ng Commission on the Family and life ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga sumusuporta sa Reproductive Health Bill na muling pag-isipan ang pagsuporta sa panukala.

Sinabi ni Castro na naipakita sa pag-aaral sa University of Washington at report ng World Health Organization (WHO), UN Children’s Fund, UN Population Fund at World Bank na hindi sagot ang RH bill para matugunan ang problema sa maternal mortality.

Ayon kay Castro, ipinakita ng mga pag-aaral na hindi kailangan ng batas kung gagawin ng pamahalaan ang tungkulin nito na tulungan ang mga mamamayan kabilang ang pagtitiyak ng malusog na pagbubuntis.

Sa report ng University of Washington sa Seattle na pinag-aralan ang maternal deaths sa 181 na bansa, lumabas na bumaba ng 81 porsyento ang maternal death sa Pilipinas mula 1980 hanggang 2008.

Bumaba rin ang bilang ng maternal death sa Pinas batay sa “trends in maternal mortality: 1990 to 2008” report ng UN kung saan nasa 4.6 deaths kada araw na lang ang maternal mortality ratio nito, mas mababa sa 11.2 deaths kada araw noong 2004 report.

Kaugnay nito naniniwala si Sen. Kit Tatad na unconstitutional ang RH bill.

Sinabi ni Tatad na posibleng maging ground for impeachment ang RH Bill sakaling maisabatas ito at ideklarang unconstitutional ng Korte Supema.

Binigyang diin din ni Tatad ang nangyari sa India na nakatulong sa kanilang pag-unlad ang paglaki ng kanilang populasyon.

Iginiit din ng senador na hindi rin tungkulin ng pamahalaan na sabihan ang mag-asawa kung ano ang dapat nilang gawin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply