Center para sa mga depress itatayo ng DSWD

MAGTATAYO ng isang center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ilalaan para sa mga taong depress.

Ito ay matapos ang sunud-sunod na pagpatay at tangkang pagpapakamatay sa mall dahil lamang sa pag ibig.

Ayon kay Social Welfare Secretary Dinky Soliman, kasama niya ang Natasha Goulbourn Foundation para mag-develop ng isang programa para tulungan ang mga taong may suicidal tendencies dahil lamang sa matititinding problema o depresyon.

Sinabi ng kalihim, kabilang sa magiging trabaho aniya ng counseling center for suicidal and depression ay ang pagbibigay ng payo at psychological treatment na makatutulong sa mga taong dumaranas ng matinding depression.

Sa ngayon sabi ni Soliman, inaayos pa nila ang mekanismo ng suicidal center na balak itayo mismo sa main office ng DSWD sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply