Cha-cha amendments oks sa Senado, Kamara

NAGKASUNDO na ang Senado at Kamara na amyendahan ang ilang economic provisions ng Saligang Batas.

Kasabay ng ginanap na legislative summit ng dalawang kapulungan ng Kongreso kanina, nagkasundo ang mga senador at kongresista na isulong ang Charter change sa pamamagitan ng bicameral constituent assembly.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, sa ganitong pamamaraan hiwalay na pagbobotohan ng Senado at Kamara ang mga babaguhing probisyon ng Saligang Batas ngunit kailangan pa rin aniya ang 3/4 votes at kung may magkaibang bersyon ang dalawang kapulungan ay idaan sa bicameral conference committee.

Sinabi ng senador na dadaan sa regular na proseso ng pagpasa ng batas ang pag-amyenda sa Konstitusyon tulad ng pagkakaroon ng pagdinig sa committee ngunit ang taumbayan pa rin umano ang mag-aapruba nito sa pamamagitan ng plebisito.

Tiniyak naman ng mga mambabatas na ang economic provisions lamang ng Saligang Batas ang babaguhin at hindi ang ibang istruktura nito lalo na ang term limits ng mga opisyal sa gobyerno.

Hindi rin daw minamadali ang pag-amyenda sa Konstitusyon ngunit umaasa silang susuportahan ito ng taong bayan kahit pa kwestyunin sa Korte Suprema ng ibang grupo.

Maliban sa Charter-change, nagkasundo rin ng Senado at Kamara na iprayoridad ang 64 na panukalang batas bukod pa sa mga bills na laman  ng ginanap na LEDAC meeting sa Palasyo ng Malacañang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply