Chairman, treasurer patay sa pamamaril

PATAY ang isang barangay chairman at treasurer nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin sa Masbate, Miyerkules ng hapon, Setyembre 7.

Kinilala ang mga biktima na sina Jose Pepito, 45, barangay chairman at  Perlito De Leon, 26, treasurer kapwa ng Brgy Liong sa Cataingan, Masbate.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., 1:30 kahapon ng hapon nang maganap ang insidente sa National Highway ng Brgy Tuburan sa Cawayan, Masbate.

Pinagbabaril ang dalawa ng riding in tandem na sakay ng kulay  blue na Yamaha motorcycle na hindi naplakahan.

Tumakas ang mga salarin patungong Barangay Palobandera, Cawayan, Masbate.

Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply