‘Charitable funds’ sa NGOs tuloy pa rin – PCSO

IKINAILA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sinuspinde ang pagbibigay ng “chartiy funds” sa may 115 charitable institutions, bunsod ng sinasabing hindi tamang paggastos ng pondo.

Ayon kay PCSO Chairperson Margarita Juico, tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng tulong sa nasabing mga non-government organizations (NGOs), subalit nais lamang umano nilang matiyak na may transparency sa pinaglalaanang pondo.

Kailangan din aniya na magkaroon ng maayos na liquidation ang mga NGOs bago matanggap ng bagong pondo.

Una nang napaulat na hininto na ng ahensiya ang pamimigay nito ng pondo sa mga charitable institution matapos maungkat ang anomalya sa proyektong pinaglalaanan ng pondo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply