Childhood friend ni Solenn Heussaff darating sa Pinas dahil crush si Lovi Poe

EXPECTED na anytime this week ay darating ang childhood friend ni Solenn Heussaff na sikat ngayong Rugby player sa Europe na may dugong Pinoy-Welch. Siya’y si Gareth Leslie “Gaz” Holgate, 24. Invited siya ni Solenn sa Pinas para muling maka-mingle ang binata. Gusto rin niyang makita ang Pilipinas na sa kuwento lang ng kanyang ina natatandaan.

Ayon sa source, ipakikilala ni Solenn si Gaz kay Lovi dahil kinukulit siya nitong makilala ang dalaga na madalas niyang makita ang mga photos sa internet.

Wala namang masama kung mag-meet sina Lovie at Gaz dahil very single naman ang actress na super busy sa kanyang career lately. Aba, may bagong movie siya sa Regal ang “Aswang,” tapos, may another Aswang movie rin siya na kapartner si Dingdong Dantes. Si Dingdong at Dondon Monterverde ang producers ng movie na ito na ididirek ni Erik Matti.

Ang Aswang sa Regal ni Lovi ay kapatner naman niya si Paulo Avelino.

Anyway, gustung-gusto raw pumunta ng Pilipinas ni Gaz. Off season na yata ng play ng binata sa Europe kaya papasyalan nito ang lugar na sinilangan ng kanyang inang Pinay.

Samantala, si Gaz ay ipinanganak sa St. Asaph, Denbighshire, Wales. Si Gaz ay kasalukuyang naglalaro sa Japanese team na Kyuden Voltex. Ang position niya’y center, pero naglalaro rin siya ng fly-half. Lumaki siya sa Gwaenysgor, near Prestatyn, at nag-aral sa Rydal Penrhos in Colwyn Bay. Habang nag-aaral at naglalaro sa school team niya, nagsimula na rin siya ng kanyang rugby career sa Rhyland District RFC. Dito’y naglaro siya hanggang 2007 at saka lumipat at nag-aral sa UWIC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply