Chiz sa economic managers: Tutukan ang middle class

PINAYUHAN ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang mga economic manager ni Pangulong Benigno Aquino III na palakasin at tutukan ang mga middle class sa bansa.

Ayon kay Escudero, sa halip na pahirapan ang mga mamamayan na nasa middle class sa mga sunud-sunod na pagpapataw ng mga matataas na buwis, mas makakabuting palakasin pa ang mga ito na siyang makagagawa ng mga karagdagang trabaho sa bansa.

“Ang masakit pa kung sino ang mga middle class na sana ay pinapalaki natin, iyon palagi ang tinatamaan ng buwis” ani Escudero.

Iginiit pa ng senador na iyong mga mayayaman na hindi nagbabayad ng tamang buwis ay hindi pa rin nagbabayad hanggang sa ngayon samantala, ang mga middle class na sumusunod sa pagbabayad ng buwis ay pilit na pinapahirapan sa mga pagtataas ng presyo ng pangunahing pangangailan gaya ng gasolina, singil sa kuryente at ang napipintong pagtaas ng singil sa MRT at LRT.

“Sana sa mga economic managers ni Pangulong Aquino sana tingnan nila kung paano mapalaki ang mga middle class, hindi iyong paano singilin at maghigpit pang sinturon iyong middle class natin sa ngayon” wika pa ni Escudero.

Dagdag pa ni Escudero, maling konsepto ang pinaiiral sa ngayon ng administrasyon, na magtatapon ng P35 bilyon na ipamamahagi sa pamamagitan ng conditional cash transfer (CCT) na kukunin mula sa middle class na liliit ang mga potential na kita. Mabuti aniya na ito ay gamitin sa edukasyon, kalusugan at pagkain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply