Chopper scam witness inilaglag ni Guingona

INILAGLAG ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng Senate blue ribbon committee ang pangunahing testigong nakapagbigay ng mahahalagang impormasyon sa iniimbestigahang maanomalyang bentahan ng helicopter sa Philippine National Police (PNP).

Ganito ang nangyari nang ihayag ni Guingona na walang magagawa ang kanyang komite na makialam sa kasong plunder na isinampa ng Criminal Detection and Investigation Group (CIDG) laban Archibald Po, may-ari ng Lionair inc., kasama si dating first gentleman Mike Arroyo.

Bukod kina Po at Mike Arroyo, kinasuhan din ng CIDG ang ilang retirado at kasalukuyang opisyal ng PNP na sangkot sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa pulisya noong 2009 sa halagang P105 milyon.

Sinabi ni Guingona na kahit inaprubahan ng komite na bigyan ng immunity from suit si Po, walang magagawa ang Senado kung isinama siya sa kasong plunder na isinampa ng CIDG.

Matatandaan na tanging si Po lamang ang naglakas-loob ng aminin sa pagdinig ng Senado na pag-aari ni Mike Arroyo ang limang helicopter na binili noong 2003 saka ibinenta sa PNP ang dalawa dito noong 2009.

Isinumite din ni Po ang ilang mahahalagang dokumento at papeles na magpapatunay na pag-aari ni Mike Arroyo ang ibinentang helicopter kabilang ang wire transfer certificate na binayaran ng LTA Inc., sa Robinson Helicopter bilang paunang bayad sa limang helicopter.

Tinuran din ni Po ang lahat ng detalye ng pagmamay-ari ni Mike Arroyo ang mga helicopter kabilang ang impormasyon hinggil sa sabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng PNP at Manila Aerospace Products Trading Corporation.

Sa kanyang panig, tila naghugas-kamay naman si Guingona matapos pakinabangan ang testigong si Po sa pagsasabing “hintayin na lamang ang desisyon ng Department of Justice hinggil sa kinahihinatnan ng kalagayan sa kabila ng immunity na ibinigay ng Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply