Club owners nahilo sa bagong saltang pulis

SINO itong mataas na opisyal ng Pasay City police na naging paksa ng isang sumbong na ipinarating sa akin at sinasabing napapadalas daw ang paggu-goodtime nito sa mga club at KTV sa lungsod kaysa ang atupagin ang kapayapaan at ka-ayusan ng buong siyudad lalo na tuwing gabi kung saan madalas maganap ang iba’t ibang uri ng krimen?

Sinikap kong makausap ang ilang club operators na aking kakilala tungkol sa isyung ito at positibo naman ang kanilang tugon.

Anila, bagyo umano sa inuman ang naturang mataas na opisyal ng Pasay City police at halatang beterano ito sa larangan ng lasingan!

Bukod daw sa umano’y libre lahat ng inumin at pulutan (on-the-house ‘ika nga), nagpapa-take out din daw si sir ng libreng “tsi-tsing” (Guest Relations Officer o modelo).

Kung saan man daw dinadala ni sir ang nasabing “tsi-tsing” ay hindi na inaalam ng kabigan kong operator ng club.

Pero minsan daw ay nadulas sa pagsasalita ang naturang “tsitsing” at sinabing sa loob ng presinto siya “dinale” ni sir.

Pambihira ka naman, bosing, ang daming motel sa Pasay at mura pa.

Bakit nga naman sa presinto ka pa magpaparaos?

Di ba masamang halimbawa ‘yan sa mga tauhan mo na ngayon mo pa lang nakikilala?
Ganyan din ba, sir, ang kalakaran sa kampo sa Bicutan na pinagmulan mo?

Nagtatanong lang naman.

Sa susunod, ilalahad ko sa inyo ang pagsasapribado ng pamamahala sa Pasay City Mall na balita ko’y minadali ng pamunuan ng pamahalaang-lokal ng lungsod at ng mga konsehal na sinasabing kasabwat nito sa paggawa ng pagkakaperahan.

Milyonaryong Intsik ang nakakuha sa Pasay City Mall at maraming opisyal daw ang kumita rito.

Abangan n’yo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply