Comelec pinaghahanda para sa ARMM elections

INATASAN ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang Commission on Elections (Comelec) na maghanda kaagad sa pagsasagawa ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bago matapos ang Nobyembre.

“In the light of the temporary restraining order issued by the Supreme Court, the Commission on Elections should immediately set the elections for November at the latest,” ayon sa senador na mula sa Mindanao.

Ayon kay Pimentel, dapat makapaghanda kaagad ang Comelec sa halalan kahit limitado ang panahon dahil mas hamak na maliit lamang ang nasasakupan ng ARMM kumpara sa regular na eleksiyon na isinasagawa ng komisyon.

“Kailangan maisakatuparan kaagad ng Comelec ang preparasyon sa nalalapit na halalan kahit medyo maikli lamang ang natitirang panahon ng komisyon sa harap ng temporary restraining order na ipinalabas ng Supreme Court laban sa batas na nagpapaliban sa ARMM polls,” ayon kay Pimentel.

Nakatakdang ihalal sa ARMM ang gobernador, bise gobernador at tatlong regional legislative assembly member kada distrito.

Magaganap ang halalan sa mga lalawigan na dominante ng Muslim tulad ng Basilan (maliban sa Isabela City), Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi.

Nagpahayag naman ng tiwala si Pimentel na makakayanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at iba pang pribadong election watchdog na magbabantay sa halalan.

“The vigilance of government and non-government agencies will prevent poll cheats from frustrating the peoples’ will in the ARMM elections,” Pimentel said.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply