Commuter’s group nakiusap sa Piston

NAKIUSAP si National Council for Commuter Protection president Elvira Medina sa mga magsasagawa ng tigil-pasada na huwag harangin ang ilang tsuper na gustong pumasada upang kumita.

Ayon kay Medina, marami pang paraan ng pagpoprotesta laban sa Oil Deregulation Law maliban sa transport strike.

Anito, hindi lamang ang mga komyuter ang maaapektuhan kundi maging ang mga tsuper mismo na bumabiyahe.

Hiling ni Medina sa Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) na tiyaking mapayapa ang pagkilos at maayos ang takbo ng trapiko.

Hindi umano magandang paralisahin ang aktibidad ng mga komyuter na karamihan ay mga emplayado at estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply