Concert ng Westlife mamaya na

MAMAYANG alas-8:00 ng gabi na ang concert ng Irish boy band na Westlife sa Smart Araneta Coliseum.

Kagabi (Setyembre 28) pa ng dumating ang grupo sa bansa na kinabibilangan nina Shane Filan, Mark Feehily, Kian Egan at Nicky Byrne.

Ito na ang ikalawang concert ng grupo sa bansa.

Ang Westlife ay isa sa mga sumikat na boy band sa buong mundo at nagkaroon ng 14 na kanta na nag-number one sa hit charts sa iba’t ibang bansa kabilang na dito ang “Swear It Again,” “My Love” “Unbreakable,” “Fool Again,” “Flying Without Wings” at “If I Let You Go.”

Samantala, hindi napaunlakan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang imbitasyon ng grupo na mag-guest sa kanilang concert dahil sa hindi maiwanan ang ensayo para sa nalalapit na laban kay Manuel Marquez sa Nobyembre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply