Cong. Arroyo nakalabas na ng ospital

LUMABAS na ng St. Luke’s Medical Center kagabi at kasalukuyang nagpapahinga sa kaniyang tahanan si dating Pangulong Gloria Arroyo makaraang maging matagumpay ang operasyon ng mga doctor.

Ayon kay Dr. Juliet Gopez-Cervantes, attending physician ni Arroyo, babalik ang dating Pangulo makalipas ang dalawang linggo para isailalim sa CT scan.

Magpapatuloy naman umano ang pakikipag-ugnayan ng mga doctor sa mga nurse ni Arroyo para ma-monitor ang kanyang kondisyon.

Pinayuhan naman ng mga doctor si dating Pangulong Arroyo na iwasan muna ang pagtanggap ng mga bisita at magpahinga ng maayos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply