Cong. Tulay, Capt. Gambler ng PRC at gurang sa PAL

MAGKANO ang suweldo ng isang empleyado ng Professional Regulation Commission?

Yan ang malutong na tanong ng ating uzi makaraang makita nito kung paano magsugal ang isa sa mataas na opisyal ng PRC.

DAANG LIBO ARAW-ARAW

Para bang gripong walang tigil ang pagbuga ng tubig kung magsugal itong opisyal ng PRC na kilala sa tawag na Capt. Migs.

Daang libo araw-araw kung magpatalo si Capt. Migs sa poker table sa Resort World dahil kung sa usaping poker world ito ay hindi lamang “fish” kung hindi “whale” pa nga ito kung tawagin.

Dahil hayop talagang magtapon ng pera.

PIRMA SA CERTIFICATES

Ang pangunahing gatasan daw nitong si Capt. Migs ay ang mga kompanyang nangangailangan ng certificate na magmumula sa PRC.

Pirma lang ni Capt. Migs “DOLLARS” na agad ang ganansiya.

Kaya pala ang daming bobong Pinoy sa ibang bansa dahil sa kagaguhan nitong si Capt. Migs.

GURANG ANG SUMISIRA SA PAL

Ituloy natin ang bakbakan sa mga gurang na saksakan ng yayabang d’yan sa Philippine Airlines.

Naikuwento natin kung gaano kagago ang flight purser ng PR311 na si Annie Sulit na nagmula sa Hong Kong patungong Pinas noong nakaraang Sabado.

Isunod naman natin ang isa pang gurang na stewardess na may apelyidong Salvador.

Isang pasahero ang pumunta sa palikuran at nang bumalik ito sa kanyang upuan ay inabutan nito na nakasandal ang silya at natutulog ang tatlong pasahero sa kanyang harapan.

Sa madaling salita ay hindi siya makararaan dahil sa window seat ang puwesto n’ya.

Kung kaya’t pansamantala itong umupo sa emergency exit seat na wala namang nakaupo.

NANAKAWIN BA YUNG UPUAN

Para sa kaalaman ng ating mga uzi ang emergency exit seat ay may dagdag na bayad na $20.00.

Kung kaya’t sinita ang pasahero na nanggaling sa palikuran at sinabing bawal daw upuan ang nasabing upuan.

Anak ng pitong putakte! Wala namang nakaupo roon ah! Bakit nanakawin ba yung silya?

NAGULAT ANG MGA TULOG

Sa sarap humilik ng mga tulog ay para ba silang dinalaw ng demonyo nang bigla silang gisingin ni Salvador.

He! He! He! Hindi pala demonyo, demonyita pala.

Alam n’yo ba, mga Bro, kung sino ang ginising ni demonyita?

Yan ay walang iba kundi ang sikat na kolumnistang si Butch del Castillo na isa ring broadcaster ng DWIZ.

Bastos daw at walang pasintabi ang ginawa ni Salvador na paggising sa kanila.

KUNG KANO ANG PASAHERO

Bakit ganito kabastos ang mga tauhan  ng PAL?

Bakit kapag Kano o puti ang pasahero ay saksakan ng galang ang mga gagong ito?

BRIDGE TO NOWHERE

Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na ang mga tulay na ginawa ni dating Pang. GMA ay “bridge to nowhere.”

Dahil ang mga tulay daw ay wala man lang kasunod na kalye.

SI CONG. TULAY ANG PROMOTOR

Sino ba itong tinaguriang Cong. Tulay na may pakana ng “bridge to nowhere?”

Ito raw ang kongresista na nakilala sa modular bridge technology.

Modular technology din ang ginamit nito sa RORO project.

Mas kilala raw si Kongresman sa tawag na Cong. KABANGGA.

KONTRAKTOR UNDER PROBE

Magtataka ka na ang ginamit na British Firm  na kontraktor sa proyekto ay under investigation ng House Committee of Commons sa United Kingdom.

BUMALIGTAD LANG SA LIBERAL

Bakit hindi man lang ito imbestigahan  ng administrasyong PNoy?
Base sa bulong ng ating uzi ay 4 hanggang 6 na dobleng tongpats ang binayaran ng sambayanan sa gagong Kongresistang ito.

Dahil ba sa bumaligtad ito patungong Partido Liberal ay lusot na ito sa kanyang kagaguhan? Yan ba ang matuwid na daan?

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

BANABA DAY CARE CENTER

Dito po sa Banaba Day Care Center, San Mateo, Rizal, di po ba sa government ang mga day care? Pero bakit ang mahal ng libro? Ang apat (4) na piraso ay P870 na po at ang lima (5) pad paper ay P100. May monthly pang 50 pesos? Paulit-ulit naman ang pinagagawa sa mga bata. Salamat po. +63909210….

SAGOT

Maari po kayong lumapit sa lokal na pamahalaan upang idulog ang nasabing iligal na gawain.

Sakaling hindi po kayo matulungan ay maaari po kayong magsadya sa Remate para ho maireklamo ang mga mandorobo r’yan.

RECON SECURITY

Gud am po, Sir Benny. Pakikalampag naman po yung security agency na hindi nag-re-remit ng SSS dito sa Mari-kina. Dalawa po ang nasa Marikina. Mababa na pa ang pasahod. Recon Security Agency ang may

hawak ng buong gobyerno. +63930863….

BUSINESS EMPIRE

Yung negosyong Business Empire ay dapat na imbestigahan. Puro batang estudyante  sa kolehiyo ang arget nito. ‘Di na makapag-aral

ang mga bata dahil pinagtitinda sila ng produkto. May malawakang mind conditioning rito. +63930950.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply