Conjugal partnership gains lusot sa Kamara

APRUB na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang panukalang naglalayong muling ibalik ang batas hinggil sa conjugal
partnership of gains sa ilalim ng Civil Code of the Philippines bilang basehan ng relasyon na mag-uugnay sa mag-asawa at sa anumang yaman at pag-aari na kanilang makakamit.

Ayon kay Deputy Speaker Pablo Garcia (2nd District, Cebu) layunin ng House Bill 1288 na amyendahan ang Article 75 ng Family Code of the Philippines, na binuo sa pamamagitan ng Executive Order 209 na ipinalabas ni dating Pangulong Corazon Aquino noong June 18, 1987.

Ayon kay Garcia, ang Article 75 ay nagpapahayag ng bago pa man ang pagpapakasal, ang nagpaplanong maging mag-asawa ay maaaring sumailalim sa isang kasunduan na magkaroon ng regime of absolute community,  conjugal partnership of gains, complete separation of property o anumang uri ng regime.

Kung sakaling walang paunang kasunduan o premarital agreement, o kung ang napagkasunduang regime ay napawalang bisa ang system of absolute community of property ang mangingibabaw, paliwanag ni Garcia hinggil sa nilalaman ng Article 75.

Sa ilalim ng kanyang panukala, ang system of conjugal partnership of gains (CPG) ay muling bubuhayin at ibabalik bilang basehan sa property relations ng mag-asawa, papalitan ng sistemang ito ang absolute community of property kung walang paunang kasunduan bago pa man ikasal ang mag-asawa.

Dagdag pa ni Garcia ang kanyang panukala ay nahahawig sa probisyon sa ilalim ng Republic Act 386 o ang Civil Code of the Philippines na naisabatas noong June 18, 1949.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply