Construction worker ginulpi ng mga kabataan

SUGATAN at bugbog sarado ang isang construction worker matapos itong mapagtripang gulpihin at saksakin ng anim na kabataan habang ang una ay bibili lamang sa tindahan kagabi (Martes, Setyembre 6) sa Martiniko St., NBBS Navotas City.

Ang biktima na ginagamot sa Pagamutan Bayan ng Malabon (PBM) sanhi ng mga bukol sa ulo at saksak sa kaliwang siko ay kinilalang si Danilo Tablante y Ormoc, 19, binata, ng Blk 33 Area 4, Northbay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang isa sa anim na suspek na si Yuri Bonita y Paragastos, 16 habang pinaghahanap naman ng pulisya ang limang kasamahan ng nahuli.

Ayon sa ulat, dakong 11:30 ng gabi ng maganap ang panggugulpi ng mga suspek sa biktima.

Naglalakad si Danilo kasama ang kanyang pinsan para bumili ng snack at sigarilyo sa malapit na tindahan nang ito ay makursunadahan ng mga kabataan, hanggang sa pagsusuntukin at saksakin ni Yuri na mapalad na sa siko lamang tumama.

Dahil sa menor de edad pa ang suspek, siya ay dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang kasama nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply