Consumer alert inilabas ng DTI

INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan Office ang consumer alert upang maging alerto at mapanuri ang mga mamimili ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.

Isa sa ipinapaalala ng DTI sa consumers ay ang kaugnay sa Product Standard Law of the Philippines.

Ayon sa  DTI, dapat ang lahat ng mga produktong nakapaloob sa ‘mandatory product certification o ang mga nakapagbibigay-panganib sa buhay ng tao at ari-arian’ na ipinagbibili ng mga establisyemento ay dapat may tatak na “PS” o Product Standard, kung ito ay gawa sa Pilipinas at “ICC” kung gawa sa ibang bansa.

Sa pagpasok ng “Ber months” ngayong taon, isa sa mga mabentang produkto ay ang  Christmas lights na ginagamit na palamuti tuwing Kapaskuhan.

Ayon sa DTI, upang makasiguro sa kalidad ng decorative Christmas lights na bibilhin, tiyakin ang mga sumusunod: Una, dapat ang outside diameter size ng wire nito ay 1.5 milimeters.

Ikalawa, dapat nakalagay ang pangalan at address ng manufacturer/importer/distributor, brand name, rated voltage at wattage ng mga bumbilya nito, ang mga katagang “for indoor use only,” ang batch/lot number o bar code, standard used (PNS189:2000), at ang bansang pinanggalingan o pinagmulan ng pakete.

Ikatlo, dapat ang tatak nga “PS” ay hugis globo na mayroong tsek sa bandang ibaba ng kanang bahagi nito. Ang tatak na “ICC” naman ay hugis gulong na may pitong (7) spikes at ito ay nakadikit na parang sticker sa produkto o lalagyan ng produkto.

Ang markings nito ang nagsasabi na nakapasa ang produkto sa pagsusuri ng DTI-Bureau of Product Standars (DTI-BPS).

Ikaapat, dapat ang decorative Christmas lights na nakadisplay sa mga tindahan o establisimyento ay ginawa mula sa taong 2009 hanggang 2011 lamang.

Sa pamamagitan ng ugaling mapanuri ng mga mamimili, maiiwasan na maloko at madisgrasya na nauuwi sa trahedya tulad ng sunog at iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply