Consumers alert inilabas ng DTI

INILABAS na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang consumers alert upang maging alerto at mapanuri ang mga mamimili ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.

Isa sa ipinapaalala ng DTI sa consumers ay ang kaugnay sa Product Standard Law of the Philippines.

Ayon sa  DTI, dapat ang lahat ng mga produktong nakapaloob sa Mandatory Product Certification o ang mga nakapagbibigay-panganib sa buhay ng tao at ari-arian na ipinagbibili ng mga establisyemento ay
dapat may tatak na “PS” o Product Standard, kung ito ay gawa sa Pilipinas at “ICC” kung gawa sa ibang bansa.

Sa pagpasok ng “ber month” ngayong taon, isa sa mga mabentang produkto ay ang mga decorative Christmas light na ginagamit na palamuti tuwing panahon ng Kapaskuhan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply