‘Cooler days’ sa Nobyembre mararanasan

MALAMIG na mga araw ang inaasahang mararanasan sa buwan ng Nobyembre dahil maglalaho na ang southwest moonsoon (Habagat) at papalit ang northeast winds (Amihan), ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, kaninang umaga.

Sinabi ni PAGASA officer-in-charge Nathaniel Servando na inaasahan nila ang pagpapalit ng Habagat sa Amihan na magsisimula sa huling bahagi ng Setyembre.

“At the least sa buwan na ito, inaasahan natin na sa latter part of September, magte-terminate ang southwest monsoon at pagkatapos, transition period from Habagat season to Amihan season. Diyan natin mararanasan ang malamig na ihip ng hangin lalo sa madaling-araw,” pahayag ni Servando.

Sa Metro Manila, ang kasalukuyang mababang temperatura na 24 degrees Celsius ay maaring bumaba sa 20 hanggang 22 degrees.

Pero kapag nasa kasagsagan ng Amihan season sa Disyembre at Enero,  “posible aniyang bumaba pa sa 20 degrees.

Samantala, sinabi ni Servando na patuloy nilang minomonitor ang kondisyon ng panahon sa pasibleng pagbabalik ng La Niña, isang phenomenon na may karakter na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ito aniya ay mahalaga dahil umaasa ang Pilipinas ng anim hangang pitong bago pa sa kabuuan ng  2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply