Cop laban sa pasugalan tinirador ni mayor

DAHIL sa hindi kayang  hawakan sa tungki ng ilong ni Pasay City Mayor Tony Calixto si Pasay City chief of police Supt. Napoleon Cuaton ay puwersahan nitong tinanggal sa puwesto ang nasabing opisyal.

Ang balita ko, kaya sinibak ni Mayor Calixto si Supt. Cuaton sa puwesto nito ay dahil sa pinatigil daw ng nasabing police official ang mga iligal na pasugalan sa Pasay na pinagkakakitaan ng mga ‘galamay’ ng alkalde.

Galit na galit daw si Calixto kay Supt. Cuaton dahil sa walang habas na pinaghuhuli ni Supt. Cuaton ang lahat ng pasugalan na pinagkakakitaan ng mga galamay nito.

Ang masakit nito, ’yung ipinalit na chief of police sa Pasay ay si Supt. Melchor Reyes na ‘bata’ ni NCRPO Director Gen. Allan Purisima.

Kung hindi po ako nagkakamali, ito ‘yung police official na walang magandang activities na nagawa.

Simula nang matanggal si Supt. Cuaton bilang chief of police ay ‘nagpiyesta’ na naman ang mga iligal na pasugalan sa Pasay.

Kanto-kanto na naman ang operasyon ng saklang-patay at saklang walang patay sa lungsod.

Maging ang mga bold show sa mga beerhouse at club ay muli na namang  aktibo sa lungsod.

Patuloy rin ang operasyon ng sex trade sa Lapu-lapu Health Palace sa Buendia St., Pasay City.

Ay naku…kawawang Pasay City… Hehehehe.

Bagong bangka ng loteng sa QC

Isang Ben Pulo at Noel Tigas ang bagong bangka ng loteng sa Kyusi.

Walang takot at buong tapang na pinasok ng magpakner ang Quezon City sa pag-ooperate ng kanilang pa-loteng. Ipinagmamalaki ng dalawa na malakas daw sila kay CIDG Director Gen. Sammy Pagdilao. O, Gen. Pagdi, ginagamit ang pangalan ninyo.

Anomang reklamo o pu-na, i-text lang sa 0918927-4764,09266719269 o mag-email juandesabog@ya-hoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply