Cotabato City naglaan ng pabuya para sa ‘bomb tipster’

NAGLAAN ng pabuya para sa mga “bomb tipster” ang pamahalaang panglungsod ng Cotabato upang maiwasan ang tumataas na kaso ng tangkang pambobomba sa lungsod

Ito ay kasunod ng ulat na balak umanong magpasabog ng tatlo pang bomba ngayong buwan ang mga sumasabotahe sa katahimikan ng lungsod.

Kaugnay nito kinondena ni Cotabato City mayor Japal Guiani, Jr. ang mga insidente ng pambobomba sa lungsod at kanya ring binigyang-diin na magbibigay ito ng pabuya upang mahuli na ang mga kagagawan ng krimen at papanagutin sa korte.

Sinabi ni Chief Supt. Felicissimo Khu, operations chief ng Police Operations for Western Mindanao, na bagama’t walang nasaktan sa mga nangyayaring pagsabog ng mga bomba, ibayong pag-iingat umano ang dapat gawin ng mga residente dahil maaaring binabalak pa umanong magpasabog ng bomba ng ilang mga partidong hindi kuntento sa ginagawang Public Forum para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Khu, kasalukuyan na rin umanong mino-monitor ng Task Force Kutawato ang ibang bahagi ng lungsod na maaaring gamitin ng mga terorista upang maipasok ang mga bomba.

Umaasa rin si Khu na mahuhuli ng mga awtoridad ang mga nagsasagawa ng karahasan sa tulong ng mga residente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply