Courier, driver ng PhilPost huli sa pagnanakaw ng package

HULI ang courier at driver ng PhilPost  nang tangkang ipuslit ang dalawang parcel na mula sa bansang Korea.

Nabatid na ang nasabing package ay patungo sana ng Quezon City.

Ayon kay Rhoderick Torres, opisyal ng PhilPost, nabatid na ang nasabing parcel ay hindi rin idinaan sa Customs ng hindi muna pinangalanang mga salarin para makaiwas sa buwis.

“Sipa po ang tawag sa sindikatong ‘yan, at ngayon ay unti-unti na namin yang maubos. At dahil hindi nila idinaan sa Customs ito, smuggling ang tawag diyan,” ani pa ni Torres.

Agad namang sinuspinde ng 90 araw ang dalawa habang inihahanda ang pormal na imbestigasyon sa kanilang kinaanibang sindikato.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply